ACKIRA
Sinusundan ko lang sila habang nakikipagsiksikan kami sa ewan palengke ata to ehh.
"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko
"Sa kainan po, kaarawan kasi ngayon ni Russel atska nakasanayan na po yun" sagot ni Clara habang nakatalikod sakin nasa unahan ko kasi sya.
Birthday pala ni Russel bat di nila ako sinabihan. Pwede ko namang isangla ang suot kong hikaw.
"May pera ba kayo?" Tanong ko ehh pano ba sila nagkapera
"Oo naman po, inipon namin yun" si Leonora naman ang sumagot. Pano yun nangyare? Eh halos kasama ko sila ng walong buwan?
Nagulat ako ng may humila sakin, niyuko ko kung sino. Its Deniver
"Ano ka ba naman ate, ngayon ka pa talaga lutang? Dagsa ang mga tao ngayon ate kaya mahirap pagnawala ka" inis na sabi nya habang hila ako napakamot ako sa sentido. Sorry naman.Pumasok kami sa isang tindahan sa di kalayuan nakita kung kumaway sina Damian at Russel. I frown. Where's Clara and Leonora? Inikot ko ang mata ko. And there! Nakita ko sila sa counter ng tindahan.
Nilapitan namin ang dalawa.
"Ano ka ba naman ate kung di ka lang napansin ni Deniver na lumilihis ng daan, naku mawawala ka talaga" agad na salubong sakin ni Damian inikotan ko lang sya ng mata. Malay ko ba! Tss.
"Oh sya sige na, upo ka na ate" umupo ako sa tabi ni Deniver at tumingin sa labas. Open kasi ang tindahan kaya kitang kita ang mga taong busing-busy sa pamimili.
"ANO BA KULANG ANG BAYAD NYO!" Napalingon ako sa counter ng tindahan si Leonora at si Clara ang nasa harapan ng matandang ale.
"Po?! Tama po binayad namin sa inyo"
"Kulang nga diba? Teka" sinuri nya ng maigi sila Leonora at kay clara "kilala ko kayo ahh! Kayo ang nagnakaw sa mga paninda ni Ginang Gina!" Lahat ng mga kumakain ay napatigil at napatingin sa Ale.
"PO?! Hi-"
"HULIHIN NYO!! IBIBIGAY NATIN ANG MGA YAN SA KABALYERO! PATI ANG TATLO PANG BATANG KASAMA NILA!!" Tatakbo na sana sina Leonora at Clara ng mahawakan sila ng ale.
"T-TEKA WALA KAMING NINAKAW!" Umiiyak na sigaw ni Clara.
"T-TEKA LANG PO! HINDI PO KAMI MAGNANAKAW! PAKIUSAP BITAWAN NYO KAMI!" Umiiyak ding pakiusap ni Damian. Parang dinudurog ang puso ko habang pinapanood sila. Gusto kong tumulong pero HINDI KO ALAM!
Hindi ko alam, kung ano gagawin ko! Ni hindi makakilos.
Hindi ko namamalayang hinila na sila papalabas ng mga taong may hawak sa kanila. Natataranta akong sumunod.
Putcha! Di ko na sila makita!
"Ate san po dinala yung mga bata?" Nakangangang natulala bigla ang babae pagkatapos ay tinuro ang diretso lang. Agad akong tumango at dalidaling tumakbo ng diretso.
"AHH! WALA PO KAMING KASALANAN!"
Boses yun ni Leonora!
"PAKIUSAP PO! AHH! T-TAMA NA!"
BINABASA MO ANG
THE RUNAWAY DUCHESS [NOBLEMEN SERIES #2] (On-going)
Romance[NOBLEMEN SERIES #2] (On-Going) ******************************** ACKIRA KLENT STRAVIOSKY A girl with a malbehavior Bad manner Vainglorious She's so mean to everyone So wicked to anyone A true devil Indeed. But what if she will woke up one day, in...