Chapter 23

1.2K 44 8
                                        


"Vash..." tawag ko sa kanya ng makita ko syang mag isa sa pool area.

Tinaasan nya ako ng kilay. Kinakabahan na ngumiti ako sa kanya. Wala na akong ibang malapitan bukod sa kanya.

"Pwede bang pahiram ng 500 pesos? I promise babayaran ko agad kapag nagka pera ako." Kinakabahan na sabi ko. Ngayon kasi ang usapan namin ni Dion na magkikita kami.

Amusement was visible on his face. Ilan sandali pa ay humalakhak sya ng napaka lakas na pati mga kasambahay ay napa tingin sa amin. Attention stealer talaga.

Napa facepalm nalang ako. Gago talaga ito. Inirapan ko nalang sya at tinalikuran. Napaka walanghiya talaga nya.

"Come on brat. I'm just amaze." Sabi nya sa akin at bigla akong inakbayan.

Tinignan ko sya ng masama kaya humalakhak sya. Nakatingin sya sa gilid ko kaya napa tingin din ako doon. Nagulat ako na nandoon si Jashley kasama si Rixen.

Hindi maipinti ang mukha ni Jashley. Naka kapit naman sa braso nya ay ang linta na si Nerix. Tss.

"Yo Brother!" Naka ngising binati ni Jashley ang kapatid.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ni Nerix ha?" Naka ngising sabi ni Nerix sa amin.

Naiirita talaga ako kapag tinatawag nya ako sa pangalan nya. Duh! I'm not Nerix! I'm Rixen.

"Yeah, actually she's funny." Sabi ni Vash kaya siniko ko ang tagiliran nya at nag marcha paalis doon.

I should go now, hindi pweding magsama kami sa isang bahay ni Jashley. Nag iinit ako sa inis at selos.

Naiinis na pumasok ako sa kwarto ko. Naligo ako at nag bihis. Nag re retouch ako ng may kumatok. Pag bukas ko ay si Vashley pala.

"I wanna go. Hatid moko sa Mall?" Sabi ko kay Vashley ng kumatok sya sa kwarto ko at nilahad nya ang 5000 pesos.

Kumunot ang noo ko. I only barrow 500 pesos not 5000 pesos, did he misheard me?

"500 lang." Sabi ko. Humalakhak lang sya at umiling.

"Let's go then. Ibaba na kita sa Mall. May pupuntahan pa ako." Sabi nya.

Tumango ako at pumasok sa loob. Kinuha ko yung sling bag ko at yung cellphone ko. Buti na lang naka hiram ako ng Charger kay Titay kaya fully charge ang phone ko.

"Aalis kami." Sabi ni Vash kina Tita, Tito, Jash atyaka kay Nerix.

"Are you two going on a date?" Naka ngiting sabi ni Nerix.

Ini inis yata ako ng babaeng ito ha? Humalakhak si Vashley sa sinabi nya.

"I'm going to a date, with someone ngalang. Hindi ko alam sa kasama ko. May kikitain yata." Sabi ni Vashley.

Madilim naman ang mukha ni Jashley habang naka tingin sa akin ng masama. Anong tingin tingin mo?! Fuck off! Tss.

Muntik nakong tuluyan mabingi sa loob ng sasakyan ni Vashley dahil sa malakas na tugtog sa loob ng sasakyan nya.

Saktong pagbaba ko sa sasakyan nya ay tumunog ang cell phone ko. Tumatawag na si Dion! Magpapa salamat sana ako kay Vashley kaso ay mabilis syang umalis.

Still the same Vashley.

:Hello? Nasaan kayo?

Dion: pumasok ka, nasa Arcade kami. Naglalaro ang anak mo.

:Okay.

Hindi ko pinatay ang tawag. Pagpasok ko sa Mall ay nakita ko agad ang Arcade. Mabilis kong nakita si Dion. Kumaway sya sa akin at ngumiti.

May nakita akong bata na lumapit kay Dion. Masama ang tingin nya kay Dion at sinipa ang paa ni Dion.

Nanginginig ang mga paa ko habang palapit ng palapit sa kanila. Binuhat ni Dion ang bata. Salukbong ang kilay nito nung una pero nawala din agad ng makita ako.

Kunot noo syang naka tingin sa akin. Tumingin pa sya kay Dion. May binulong si Dion sa kanya kaya natawa ako ng manlaki ang mga mata nya.

Napa luha ako ng umiyak sya habang naka buka ang mga kamay nya sa akin. Ng maka lapit ako sa kanya ay kinuha ko sya pagkaka hawak ni Dion.

"Ma-mi!" Umiiyak na sabi nya. Umiiyak na niyakap ko sya. Naririnig ko ang mga hikbi nya habang niyayakap ko ito.

"Rizen..." naka ngiting sabi ko. Ngumiti din sya sa akin.

Napa luha ako ng malinaw kong makita ang mukha nya. Pareho kami ng mata pero ang ibang parte ng mukha nya nakuha nya lahat kay Jashley.

Damn, I have my little Jashley in my arms.

"What is his full name? Jace Rizen? Anong apelyido?" Tanong ko kay Dion.

"Syempre Raval, ikaw nag sulat ng pangalan nya e." sabi nya. Ngumiti ako sa kanya.

He maybe did something bad to me, he still took care and protect my son. I'm still thankful for having him.

"1 year and 2 months diba?" Naka ngiting sabi ko. Tumango naman si Dion.

"Wuv yu Ma-mi!" Sabi ni Rizen at pinugpog ako ng halik sa buong mukha. Humahalakhak ako sa sobrang cute nya.

"Tara kumain muna tayo." Sabi ni Dion.

Tumango habang bitbit ko ang anak kong tumatawa at panay ang paghalik sa pisngi ko.

Panay ang pagdaldal ng anak ko kahit hindi ko naman maintindihan ang mga sinabi nya.

Pumasok kami sa isang Restaurant na hindi masyadong kilala. I saw the poster na Filipino foods ang sini serve.

Pinili namin ang Adobong Manok, Bulalo, Grilled Squid atyaka Kare kare. Para sa Dessert ay umorder kami ng Leche plan at Halo Halo.

"Salamat Dion." Masayang sabi ko.

"Last time na nagkita tayo ay galit na galit ka sa akin." Naka taas ang kilay nya.

"Dapat lang. Sinira nyo ang buhay ko." Seryosong sabi ko. Ngumiti lang sya, napaka lungkot ng mga mata nya.

"I'm sorry." Sabi nya.

"Pinapatawad na kita but still. Salamat sa pag protekta sa anak ko. Salamat sa pag aalaga sa kanya." Sinserong sabi ko.

"Napa mahal na sya sa akin Rixen kaya sana huwag mo syang ipakilala. Mapapahamak lang ang buhay nya." Seryosong sabi nya.

"Walang karapatan sina Nerix at Tito na saktan kami. Sinira na nila ang buhay ko pati ba naman ang buhay ng anak ko. Hindi na ako papayag doon." Sabi ko.

"Huwag mo ng hayaan na umabot pa sa ganon. Umalis kana sa puder ng mga Raval. Sumama kana sa akin. Magkaka sama kayo ni Rizen." Sabi ni Dion.

"Kukuha ako ng tyempo." Yun lang ang masasabi ko muna.

Natigil lang ang usapan namin ng dumating ang order namin. Habang kumakain ay sinusubuan ko si Rizen. Pinaglalaruan nya yung spoon.

My Jace Rizen, I'm so damn happy for having you in my life.

The Heartless Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon