CHAPTER 4- Flashback(Opportunity knocks)

49 2 0
                                        

A MONTH LATER....

NIKKI'S POV

Hay grabe, ang dami kong gagawin. Panu ko to sisimulan. Someone help. Assignments, reports at bukas na ang submission ng final draft sa research project ko sa major.

Hay Nikki, mag-encode kana kaya. Ngawa ka ng ngawa dyan, wala ka talagang matatapos niyan.

Hindi ko kinakausap ang sarili ko. Ugh! Naloloka na ako.

minutes later..

"Haay... konti nalang at matatapos ko na to. Mag pipizza talaga ako pag natapos to. I swear."

UY PANGET! MAY TAWAG KA! UY PANGET MAY TAWAG KA! UY PANGET MAY TAWAG KA!

"Ughh!! Pinalitan na naman ng baklang yun ang ringtone koo... Sinu naman kayang tokwang nang-iistorbo. Ay pucha nahulog pa."

Dinampot ko ang fone na nasiko ko kanina kaya nahulog. Baka si kuya ang tumatawag. Kamot ulo. Namatay tuloy. Makabalik na nga sa ginagawa ko nang matapos na.

O_O.. "Aaaaah!!! Hindiiii.. Asan na yun?? patapos na yun eh.. Aggh!! Ayoko na, pagod na ako." Pigalan niyo ako, iiyak na talaga ako. Sobrang kamalasan na to. Dahil to sa ringtone eh! Papatayin talaga kita bakla ka.

"Niks tumawag si.. uh anyare?"

"Bruha yung file ko nawala. Malapit na matapos yun eh.  Bukas na submission nun anung gagawin ko.Huhu."sniff.. sniff..

"Ha? Ku panu yan. Tas may isa kapang problema, tumawag kasi si Bryan, si anu daw, si Rence naglalasing. Ayaw paawat."

"Ha?! Ba-bakit daw? Tara puntahan natin."

"Teka, akala ko ba bukas na submission ng project niyo. So dapat unahin mo muna yan."

"Pero kailangan ako ni kuya. Saka ko na popoblemahin yan."

"Sira ka rin anu. Ganito nalang, tatawagan ko si Kurt, kami nalang muna pupunta kay Rence. Pag natapos mo yan, saka mo siya puntahan."

"Baka magtampo yun. Mas kailangan ako nun eh."

"Anu siya batang paslit para di ka maintindihan. Alam naman niya kung gaano ka importante sayo ang pag-aaral mo. Sha sige na, alis na ako. Text kita pagdating ko dun."

Tango-tango nalang ako. Agh! Bakit kasi nagsabay-sabay pa ang problema sa studies at lablayp ko.

"Hoy Nikki! Gawin mo na ang project mo."

Naka-nganga pala ako. "O-Oo.."

****************************************

Anu ba yan, nakakasilaw. Nasa langit na ba ako? Anghel na ba tong nakikita ko?

"Uy bruha kakain na."

Ay, akala ko anghel. Demonyita pala. Binuksan pala ni Dana ang kurtina kaya nakakasilaw, kasi putok na ang araw. Hala, nakatulog pala ako. Madaling araw na kasi ako natapos. Wait, putok na ang araw.

"Anung oras na?" Bubuka sana ang bibig ni Dana para sabihin ang oras, pero huli na kasi nakita ko na ang oras sa relong suot ko. "Aaah!! Dana naman, alas nuwebe na. Alam mo naman 9:30 ang klase ko. Bakit di mo'ko ginising."

Nagtoothbrush na ako diretso saka kumuha ng masusuot.

"Akala ko kasi mamayang hapon kapa papasok kaya hinayaan na kita matulog. Sorry."peace sign

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon