Nikki's POV
"Uy bakla, mukhang nagkakamabutihan na kayo ni fafa Albie ah. Anu ba talagang status niyo?"-Kurt
Nasa living room kami ngayon. Wala muna kasing gala kaya nagkaron kami ng chance na mag-bonding. Naglilinis kami ng kuko ni Kurt, si Dana naman busy sa ipad niya.
"Wala. Mabait lang yung tao. Kaya tumigil ka na sa mga ganyan-ganyan mo ha. Kala mo di ko napapansin. Nakakahiya naman sa tao, baka kung anung isipin."
"Sus.. Best observer kaya ako baka nakakalimutan mo."-Kurt
"In short chismosa."-Dana
"Tse! Hindi ka kasali. Anyway, the way he looks at you, obvious na obvious that he likes you gurl.. Aray!"
"Ay sorry, ang tigas kasi ng cuticle mo."
"In denial kapa kasi. I'm sure napapansin mo rin yun.. Sayang si fafa Albie kapag pinakawalan mo pa.."
Sasagot na sana ako pero nagulat kami kay Dana. Bigla niyang nabagsak yung basong may laman na juice.
"Hoy okay ka lang?"
Napalunok siya. May nakita siguro na ikinagulat niya. Tapos biglang nataranta na itinago bigla ang ipad. May itinatago to sakin, sigurado ako. Kaya bigla kong hinablot ang ipad.
"Niks.."
Congrats Cousin Rence. Best wishes. Post ni Nathan sa facebook kasama ang pictures. Then someone stabbed my chest ng paulit-ulit. Sobrang sakit. Tuluyan na pala talaga akong kinalimutan ni kuya.
"Excuse me. Bigla akong inantok." umalis ako at pumasok ng kwarto. I dropped myself on the bed at nagtalukbong ng kumot, at doon umiyak ng umiyak.
****************************************************************************************
Dana's POV
They're talking about Albie. Looking at my cousin's expression, medyo umaliwalas na ang itsura niya ngayon. Thanks to Albie but honestly ayokong masyado siyang ma-attach sa lalaking yun, baka masaktan na naman siya.
Tapos biglang nag-pop sa newsfeed ko.. Congrats Cousin Rence. Best wishes. Bigla kong nabitawan ang baso. Clumsy Dana!
"Hoy okay ka lang?"-Nikki
Napalunok ako. Hindi niya pwedeng makita to. Okay na siya eh, she's getting there tapos makikita na naman niya ito. Pero hinablot na niya ang ipad na pilit kong tinatago.
"Niks.."Oh. How on earth am I gonna expain it to her.
Nang makita niya iyun, bigla nagbago ang expression niya. Ugh! Kasalanan ko to.
"Excuse me. Bigla akong inantok."
Pumasok siya ng kwarto. I bit my bottom lip. Napatingin naman si Kurt sa akin.
"I need to call Albie."-Kurt
"Bakla, hindi niya dapat nakita yun. Iiyak na naman yun at magkukulong. Haay! Kasi naman."
"Well that's inevitable. Saka, oa mo kasi. May tinatago kaba?"
Hindi ako nakasagot. Siguro time na para sabihin kay Nikki ang totoong dahilan sa pag-iwan sa kanya ni Rence.
"Uh-oh. Goodluck gurl."
****************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Till My Heartaches End
أدب الهواةShe was shattered. She was dumped by an undeserving man. And just when she thought she would never move on, he came unexpectedly. But he didn't came to put up her pieces back. Yet, he teaches her how to do it in her own. He teaches her how to becom...