*********************************
Dana's POV
"Nikki, bilisan mo na. Baka ma traffic tayo, ma late pa tayo sa flight natin. Di na pwedeng i postpone ang bakasyon na to, remember excited na si lola na makita tayo."
"Andyan na."
"Hoy bakla, tulungan mo kaya si manong Caloy magbuhat ng gamit."-Dana
"What?? Ayoko nga. Baka pawisan ako."
"Ah ganun. Nahiya naman ako sayo. Gusto mo maiwan?"
"K fine miss Minchin! I'll help manong Caloy na."
Minutes later.. we're on our way na to the airport.
Nasa front seat si Kurt, katabi ni manong Caloy, nasa backseat naman kami ni Nikki na walang ka kibo-kibo. Hay! Nami-miss ko na ang dating Nikki, maingay, makulit pero sweet. Ang laki ng pinayat niya ngayon dahil lang sa walang kwentang Rence na yun. I can't believe pinagpalit niya ang pinsan ko sa babaeng yun. Whatever his reasons are, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya. Isang walang kwenta at walang isang salita na tao. He's a loser.
I remember nung pinuntahan namin sa hospital si Nikki. Buti nalang sinugod siya sa hospital nung nakabangga sa kanya. Thank God it didn't caused her much damage, kasi nakapag preno agad yung driver, hindi siya napuruhan. Nag nervous breakdown siya kaya siya hinimatay, dahil hindi niya kinaya ang nangyari. Awang-awa ako sa pinsan ko. I can't believe na nagawa ni Rence sa kanya yun. Pagkatapos ng tatlong taong pinagsamahan nila.
*************Flashback****************
Papasok ako ng hospital dala-dala ang isang basket ng prutas. Sana naman kumain na si Nikki. Nag-aalala na ako sa kanya.
"Dana."
I frown at nang makilala ko kung sino ang tumawag sa akin, bigla tumaas ang presyon ko. Si Bryan.
"Anung ginagawa mo dito? You're not welcome here. Pakisabi sa kaibigan mo congrats, muntikan na mamatay ang pinsan ko dahil sa kanya!"
"Wait lang, wala akong alam sa nangyari. Pati nga kaming mga kaibigan niya, nagulat rin."
"Sinungaling!"
"Dana, hindi ako nagsisinungaling. Pwede ba mag-usap tayo ng maayos. Wag dito.."
******************************************
"Totoo bang wala kang alam dun?"
"Totoo yun. Nagulat nga din kami pero ipinagtapat na sa amin ni Rence ang lahat kung bakit niya ginawa yun."
"At kaya ka niya pinapunta dito para bilugin ang mga ulo namin at piliting intindihin siya. My god! Nasa hospital ngayon si Nikki, ayaw kumain, hindi nagsasalita. Dahil sa kanya! Mapapatay ko talaga siya pag nagkita kami."
"Hindi niya ako pinapunta dito. Ako lang ang nag-desisyong pumunta dito. (pause)Chelsea is pregnant."
"Yung ex niya?"
He nods.
"Putsa! Dahil sa babaeng yun? bakit sigurado ba siya na sa kanya nga ang batang yun? for heavens sake, kilala naman natin lahat ang budhi ng babaeng yun."
"I know. I know. Pero hindi lang yun ang dahilan, his mom is sick. Leukemia. At kailangan niya ng bone marrow transplant as soon as possible. Malaking halaga ang kailangan. Alam naman natin kung ganu kamahal ni Rence ang mama niya. And Chelsea promised to provide all the expenses if he marries her. Rence has no other choice."
BINABASA MO ANG
Till My Heartaches End
FanfictionShe was betrayed by the man whom she trusted and loved so dearly. Nikki fell into pieces and did not know how to get back on her feet. She was hurting so bad when Albie came. But he was not there to put her pieces back, he taught her how to. Would...
