Flashback(All of Me)

71 1 3
                                        

NIKKI'S POV

Pagdating namin sa bar ng resort, marami ng tao. Maaga pa, lasing na ang iba. Kaloka. Ang iba nagsasayaw, at ang iba naman naglalampungan sa sulok.

"Oh asan na sila? kala ko ba nandito na sila." si Dana

"Ang daming fafa teh. Yummy." si Kurt

"Gaga. magtigil ka nga." si Dana ulit

"Sila o si Bryan?" hirit ko naman

"Isa ka pa." -Dana

Natawa lang ako sa reaksyon niya. Rule number 1. Don't state the obvious.

Maya-maya may nagsalita sa mic.

"Excuse me everyone. Iistorbohin muna namin ang pagsasayaw niyo. Please, please settle down."

"Naku te! teh! Magpro-propose na ata si fafa Rence."

"Hoy siraulo tong baklang to!" si Dana

SPEECHLESS. Di ko alam mararamdaman ko. Kinakabahan ako ah. Anu kaya trip ng kuya ko. At.. ang gulo-gulo ng mga kasama ko ah. Sarap jumbagin.

"Umm.. una sa lahat gusto po muna naming magpasalamat kay Boss Ted na pinayagan kami uli na tumugtog ngayon. Salamat boss."

Tumango naman ang boss Ted daw at nag salute pa.

Dito kasi nagtratrabaho si kuya dati. Tumutugtog sila dito. Yes, kumakanta ang kuya ko. Siya ang vocalist ng banda nila. Kaya andami ko rin mga karibal. Swerte ko nuh. Hehe

"I want this moment to be special. Anniversary kasi namin ng girlfriend ko. Ito lang kasi naisip kong paraan. Kaya guys please bear with me."

Naghiyawan ang tao sa paligid. Grabe, kinikilig talaga ako. Kung nakamamatay lang ang kilig, jus ku teh! sigurado kanina pa ako pinaglalamayan.

"Gusto ko kasi maging perfect ang anniversary naming to. Sana umubra tong trip ko. Medyo kinakabahan kasi ako."

I laughed. Kinakabahan daw ang mokong.

"Everyone, meet my girlfriend. Nikki.."

Grabe lumingon sila sakin lahat. Instant celebrity ang peg ko. Ako naman medyo smile lang.

"Uy bunso, wag ka munang kiligin diyan. Di pa ako mag propropose. Saka wag kang tatawa tawa dyan, kinakabahan na nga ako dito. Wag kang panira ng trip."

Ay tokwa. Nag expect pa naman ako. Hehe

"Happy Anniversary bunso. Para sayo to."

Siyempre naghiyawan ang lahat. Nagsimula na tumugtog si kuya, kasama si Nathan at Bryan. Kinakanta niya ang theme song namin na "all of me" ni John Legend. Nakaka-touch naman ang kuya ko. Tapos naramdaman ko nalang bigla naglaho ang mga tao sa paligid. Magic? It's just I and kuya, staring at each other right this very moment. Para akong dinuduyan, kinikilabutan, ay inlababu talaga ako men. Sana di na matapos ang moment na to. Kasi ang saya saya ko. Oo grabe na talaga tu.

Kahit ayaw kong matapos, wala talaga eh natapos ang kanta. At biglang bumalik ang mga madlang pipol. Hala, may sayad na ata ako. Anyway, dahil sa na carried away ako sa aking emotion, umakyat ako ng stage at pinag-hahampas ko si kuya sa sobrang kilig ko, while maluha luha naman yung eyes ko sa sobrang touch.

"Nakakainis ka naman kuya eh. Bat di mo sinabi."

"Surprise nga to bakit ko sasabihin. Saka ganyan kaba magpasalamat, hahampasin moko."

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon