Chapter 14- Surprise

43 2 2
                                    

Nikki's POV

Past 7 na nang makarating kami sa venue. It's a hotel with beach resort, an hour drive from our place. Ang ganda ng lugar and very peaceful kasi kokonti lang ang tao sa paligid at pawang mayayaman lahat ng guests. European ang theme ng reception area nila, well actually the whole place. It's my first time here. Aba, ginastusan talaga ng mga bakla ang birthday ko ah.

"Like the place? Ganda noh?"-Dana

"Super. Panu niyo na discover to? Saka medyo malayo satin ha."

"Family owned business to ng jowa ni Kurt. Ofcourse shareholder din si Sam dito."-Dana

"Really? Wow bigtime pala si Sam."

"Sinabi mo pa!"

"Bat ngayon lang tayo inaya ni Kurt dito? Daya ng baklang yun ah."

"Busy naman tayo pareho eh. Saka hayaan mo na, atleast ngayon andito na tayo. Bilisan mo na. Naghihintay na sila satin."

Nagmadali naman agad akong sumunod kay Dana sa halos patakbo-lakad na ginagawa nito, di alintana ang suot na 5 inched heels. Sanay na kasi dahil sa trabaho nito. Mukhang patungo kami sa pools. Baka dun ang party ko. Mamaya konti, I think nakarating na kami sa venue. Kaso madilim.

"Guys, nandito na sila."

Rinig ko na sabi ni Kurt. Wala kasi akong masyadong makita kasi ang dilim ng lugar. Pero nase-sense ko na what's going to happen next. Hindi nga ako nagkamali, biglang lumiwanag ang lugar at nagsulputan ang maraming tao singing the "Happy Birthday" song. I wasn't surprised sa pakulo kasi predictable naman masyado eh, alam mo na yung madilim, tapos magtatanong ako, where is everybody, tapos biglang liliwanag, ayun tapos kakantahan ako ng happy birthday. What surprises me is the people around me. Nandito sila lahat, all my college friends including Dylan, nandito rin sina Bryan and Nathan. I am very much overwhelmed seeing them on my special day. And oh, Rence is also here. We remained friends after everything that happened.

"Happy Birthday Nik."-Rence

"Thank you."Maluha-luha kong sabi.

"Sinama ko pala si Chelsea, sana okay lang sayo. Gusto ka rin kasi niyang batiin eh."-Rence

Bigla namang sumulpot si Chelsea mula sa likuran nito. I smiled. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag natuto kang magpatawad.

"Of course. Come."I hugged her and she cried.

"I'm so sorry Nikki sa lahat ng nagawa ko. I'm really sorry."-Chelsea

"Sshh.. Wala na yun. Stop crying. Yan ba ang panreregalo mo sakin sa birthday ko?"

She smiled at nagpunas agad ng luha.

"Thank you Nikki and Happy Birthday."

I smiled at nagyakapan kami uli. Haay, nakakagaan ng pakiramdam. "Thank you din for coming. It means a lot."

Inisa-isa ko ding yakapin ang ibang mga bisita ko, don't care kung abutin ako ng magdamag makapag thank you lang ako.

"Nakakatuwa, andito kayo lahat. Salamat talaga."

"Hep, hindi pa lahat. Happy Birthday dearest!"Si Kurt na lumapit na sa akin at niyakap ako, pati si Dana, pati na rin ang jowa ni Kurt na bumati din sa akin.

"The best talaga kayo kahit kelan. Thank you bakla, bruha and ofcourse Sam."

"No problem. Anything for you guys."-Sam

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon