Thanks much for reading. Mahal ko kayo. Lablab!
Back to the story..
*********************************
Nikki's POV
Simula kagabi hindi na nag-text si kuya, hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Anu kayang nangyari dun? Hindi naman siya dating ganun. Tinitingnan ko ang mga pictures namin sa phone ko, puro masasayang memories. Hay, nakaka-miss. Nandito din sa phone ko ang mga text niya, lalo na nung nakaraang birthday ko. Naalala ko, siya ang pinaka-unang bumati sa akin nang araw na yun. Alas dose ba naman ng madaling araw nag-text. Hehe. Nakakatuwa.
Happy Birthday bunso. Ako ba ang naunang bumati? hehe. Dapat lang. I love you bunso. Sana masaya ka sa birthday mo.
Ayun kinagabihan, naghanda sila Dana ng konti para sa birthday ko. Ayaw ko rin naman kasi ng malaking party. Buti nalang wala si mommy nun, kasi sigurado magpapa-party yun. Siyempre dumating si kuya nang gabing yun. Na-surprise ako sa ginawa niyang video para sa akin. Mga malalapit na friends ko na nagbigay ng message, siyempre sa huli na part, nag-message din siya. I was so kilig that time. At meron pa, binigyan niya ako ng malaking pillow na may picture naming dalawa, na yakap-yakap ko ngayon.
"Anu yang mukhang yan?"
Si Dana at si Kurt"Nami-miss ko na kasi si kuya."
"Asus. Babalik din yun, oa mo ha. Para ka namang hindi sanay."-Kurt
I frowned.
"Babalik? Bakit umalis ba siya?"Nagtinginan ang dalawa.
"Oh my G. Don't tell me, hindi nagpaalam sayo."-Si Kurt
"Nasa Batangas sila, may gig daw sila dun, 1 week."-Dana
"Batangas? Wala siyang sinabi sa akin. Panu nga naman niya sasabihin eh hindi niya naman sinasagot mga tawag ko, o ni text man lang, wala akong natatanggap." Nakakainis. Kelan pa siya nagkaganito, dati naman nagsasabi at nagpapaalam siya sa akin. Malayo-layo din ang Batangas sa Makati ah. Matawagan nga uli. Relax Nikki. Relax.
"Ganun ba. Sige juksit muna kami. Tawagan mo muna si fafa Rence. Mukhang nangangamoy war eh."-Kurt
"Tumigil ka nga bakla." Mahinang saway ni Dana, pero narinig ko naman.
Nagri-ring. Sana sagutin. Mamaya pa'y sinagot na ni kuya ang phone.
"Nasan ka? Bat ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kagabi pa ako tumatawag sayo ah."
"Pasensya busy kasi kami. Nandito kami sa Batangas, may gig kami dito. Kagigising ko nga lang pagtawag mo."
"Batangas? Kelan kapa nandyan? Bakit hindi ko alam?"
"Kahapon lang. Teka, kailangan ba lahat ng kilos ko alam mo?"
"Oo! Kasi girlfriend mo ako, diba nangako tayo sa isa't isa na magpapaalam muna kapag may aalis o may importanteng gagawin."
"Pwede ba, pagod ako. Saka na natin to pag-usapan pagbalik ko dyan. Gusto kong magpahinga. Madaling araw na kami nakauwi dito sa bahay na tinutuluyan namin."
"Kaninong bahay?"
"Bat ba ang dami mong tanong?"
"Kuya, may problema ba tayo? Kasi kung meron, pwede naman nating pag-usapan ng maayos."
"Wala, pagod lang ako. Sige na bye."
"Kuya!" Binaba na nito ang phone. Ugh! First time namin nagkaganito. May nagawa ba ako? Wala akong matandaan. Dahil ba naging busy ako at na take for granted ko siya? Pero diba naiintindihan naman niya na kailangan ko rin i-prioritize ang pag-aaral ko. Hindi ko na alam. Puntahan ko nalang kaya siya. Pero hindi ko alam ang address ng pinuntahan nila. Ugghh!! Binato ko ang phone ko sa dingding. Di ko mapigilan umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/31699728-288-k668430.jpg)
BINABASA MO ANG
Till My Heartaches End
أدب الهواةShe was shattered. She was dumped by an undeserving man. And just when she thought she would never move on, he came unexpectedly. But he didn't came to put up her pieces back. Yet, he teaches her how to do it in her own. He teaches her how to becom...