Nikki's POVHaay! Nandito kami ngayon sa Foundation University North Campus daw to. Ayaw ko naman talaga sanang sumama, siyempre papayag ba naman yung dalawa. Raket to ni tito Macky, dancesport workshop daw. Medyo madami-dami naman siyang estudyante. Mostly babae at bakla, mabibilang lang ang totoong lalaki. Pawang teenagers lahat, may mga early twenties din.
"Okay guys, let's start sa cha-cha. Remember the routine we had practiced last week."-tito Macky
Nagsimula na nga sila. Si Kurt at Dana naman, panggulo sa sulok. Ginagaya-gaya din yung routine.
Later..
"Very good. Okay now, grab your partners."
Nakita ko ang isang babaeng teenager na umalis sa grupo at pinuntahan ang isang lalaking nakaupo sa sulok. Nahuli ko naman yung lalaki na nakatitig sa akin. Kanina pa ba niya ginagawa yun? Parang kinilabutan naman ako bigla. Napansin ko hinatak siya ng babae pabalik sa dance area. I bet she's his sister. The girl obviously looks teenager and the guy I bet in his late twenties.
Nagsimula na silang sumayaw. Obviously again, the guy can't dance. Natawa ako bigla. Nakita ko kasi nahihirapan siya at palagi naapakan ang paa niya. Panay kamot nito sa ulo niya kapag nagkakamali siya. Yung babae naman parang na frustrate. Gusto ko talagang tumawa ng malakas but of course I can't do that. But I admit ang cute niya tingnan. Nakikita ko pinipilit niyang sumayaw, kaso waley pa rin.
May bigla sumundot sa tagiliran ko.
"Ay tokwa!"
"Uy, anu yan ha. Sino yang nginingitian mo."-Kurt
Panung sumulpot agad tong mga kurimaw dito sa tabi ko.
"Ayun oh."Nginuso ko yung tinitingnan ko.
"Crush mo?"-Kurt
"Loko!"Hinampas ko sa braso si Kurt. He's being ridiculous. Di ko naman crush pero I admit na cucutan lang ako sa kanya. I don't know why, diba dapit mairita ako? Cut the thought Nikki. Sabi ng konsensya ko.
"Ah yan? Si Albie, kapitbahay nila lola yan. Yung babae, si Crystal, kapatid niya yan. Ngayon ko nga lang nakita uli yan eh. Sa America kasi nagtratrabaho yan sa pagkakaalam ko."-Dana
"Uy bakla, kapitbahay pala ng lola mo yan eh. So araw-araw pala natin makikita yan while nandito tayo. That means.."Sabay wiggle wiggle ng kilay niya.
"Baliw! Tumigil ka nga."-ako
"Kurt, ikaw muna partner ni Crystal. Dana dear, halika partneran mo muna ako."-tito Macky
"Po."-Dana
"Bye gurl. Goodluck, mukhang lalapitan ka ni fafa Albie."-Kurt
Irap lang naisagot ko kay Kurt. Panu naman kasi totoong papunta na sa kinaroroonan ko yung Albie daw. Hala, bakit bigla ako kinabahan. Nikki, brokenhearted ka. Wag kang lumandi. Sabi uli ng konsensya ko.
"Hi."Sabi niya sa akin. Ang gwapo pala niya sa malapitan. Kamukha niya si Daniel Matsunaga na super crush ko. Ang macho niya, he's wearing white shirt and jeans. Oh no, am I drooling over him?
"Hi."Buti nalang lumabas pa yun sa bibig ko. Akala ko kasi nalunok ko na yung dila ko.
"Mind if I join you?"
"Nope."
Naupo na siya sa tabi ko.
"I'm Albie."Inilahad niya ang palad niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/31699728-288-k668430.jpg)
BINABASA MO ANG
Till My Heartaches End
FanfictionShe was shattered. She was dumped by an undeserving man. And just when she thought she would never move on, he came unexpectedly. But he didn't came to put up her pieces back. Yet, he teaches her how to do it in her own. He teaches her how to becom...