Flashback(sunflower watch)

81 3 1
                                        

Nikki's POV

Nauna ng bumaba sina Bryan at Nathan. Mag-aalas sais na ng gabi kami nakarating sa bahay. Namili pa kasi kami ng souvenirs. Pagkahinto ng van sa tapat ng bahay namin, bumaba agad si Dana. Tampururot pa ang bruha.

"Uy bakla, pa sleepover ah. Exhausted na ang beauty ko eh."-Kurt

" 'kay.. Padala naman ng bag ko sa loob oh. Mauna kana."

"Ses.. okay fine."

"Salamat."

Nang makaalis ang bakla.

"May problema ba kayo ni Dana?"-si kuya

"Wala yun. Tampururot lang."

"Bakit?"

"Wala nga. Wag mo ng pansinin yun."

He shrugged.

"Halika, pasok ka muna sa loob."

"Hindi na, next time nalang. Isusuli ko pa itong van ni ninong. Saka para makapag-pahinga ka na rin, may pasok kapa bukas."

"okay."

"Para sayo nga pala."
Sinuot niya sakin ang isang yellow wrist watch na sunflower ang design.

"Ganda."

"Di muna kita iistorbohin this week para makapag-focus ka sa skwela at saka raraket muna kami. Kaya suot mo ito lagi para di mo ako makalimutan."

"Loko-loko ka talaga. Nakakahiya naman, wala akong gift."

"Naibigay mo na yung gift mo sa akin." sabay kindat pa

I blushed. Nahiya ako bigla kaya hinampas ko siya sa braso.

"Siraulo. Sige na papasok na ako."

"Uy yung kiss ko."

"Wala na, naubos na."

Bumaba na ako ng kotse. Si kuya naman napakamot ng ulo.

"Text ka ah. Ingat. Salamat nga pala dito. Bye."

"Wala pa akong kiss kaya di muna ako aalis."

Mokong na to, ayaw paawat. Kaya kiniss ko siya sa forehead. Hehe.

"Halik lola."

"Uy sobra kana ah. Kiss pa rin yun."

"Sige na nga. Alis na'ko. Pumasok ka na rin."

"Opo. Bye kuya. Ingat."

***************************************

Napatingin ako sa relong suot ko na bigay ni kuya, 8 pm. Galit pa rin ang bruha. Bago kasi yun matulog, pupunta muna dito yun para makipag-chikahan. Eh ngayon, alas otso na, di pa rin siya pumupunta dito.

Baka naman napagod lang. Puntahan ko nalang kaya sa kwarto niya. Tama. Pupuntahan ko nalang siya.

Nasa kabilang silid lang si Dana. I knocked saka ako pumasok. Naabutan ko siya na nagbabasa sa study table niya. Hindi man lang ako pinansin ng bruha. Ayun, bigla nalang ako naiyak. Di kasi ako sanay nagkakaganito kami. Saka pa ako nilingon ng bruha.

"Para kang bata. Halika nga dito."-Dana

"Eh kasi naman, ayaw mo'kong pansinin."

"Eh ikaw eh."

"Sorry na. Di naman kasi sinasadya yun. Basta nangyari nalang."

"Ikaw lang naman kasi ang inaalala ko. Remember yung nangyari kay Mimi, yung classmate natin nung highschool."

Till My Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon