Dedicated to Marichu Ella :)
****************************************************************************************
"We're just in time."
Sabi ni Albie na bumaba ng kotse, umikot sa passenger's side para pagbuksan ako ng pinto.
"Thanks."
"Halika, pakilala kita sa mga kaibigan ko."-Albie
"Wait, hindi ba nakakahiya?"
"Of course not. Tara."He offered his hand, tinanggap ko naman. Magka-hawak kamay kami na pumasok sa venue.
Floral summer talaga ang motiff. Ang daming bulaklak, iba-iba ang kulay. Ang mga bisita naman nakasuot ng summer clothes na floral ang designs. Ang saya ng aura. Sinamahan pa ng magandang tanawin na dagat. May mga ushers and usherettes din sila na naka-costume. Ang mga babae naka floral mini dress na naka-kwintas ng calachuchi at may nakaipit na bulaklak din sa kanang tainga. Ang mga lalaking ushers naman naka floral shorts at white sando sa upper. Naka-kwintas din ng calachuchi.
"Mukhang out of place ako ah. Lahat naka-floral, ako lang hindi."-Albie
"Okay lang, pogi ka naman eh."
He grinned. "Thanks."
"Joke lang!"Sabi ko. Napakamot naman sa batok si Albie. I laughed. Pero ang totoo pogi talaga si Albie.
Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng mga friends niya. Dami nila ah.
"Guys, this is Nikki."
"Uyab nimo pre?"Sabi ng isang friend niya.
Albie chuckled. "She's a friend."
And they scoffed at him. "Minosa nimo pre! Dugay-dugay ka, maunhan gyud ka ana."
"Very funny."-Albie
"Hi Nikki. Nice to meet you."Sabi ng isang girl.
At pinakilala niya talaga ako isa-isa sa mga kaibigan niya. Mababait naman sila pero panay kantyaw ang inabot ni Albie.
Ang dami nilang sinabi, wala naman akong maintidihan. Ngiti-ngiti nalang ako. Kaloka, para akong timang.
"Pasensya kana sa mga kaibigan ko. Ganun talaga ang mga yun. Medyo matagal-tagal na din kasi nung huli kaming nagkita-kita."
"Okay lang. Dami niyo pala magbababarkada."
"Medyo."
"Eh yung kinakasal, barkada niyo rin pareho?"
"Yung babae lang. Taga Manila din yung napangasawa niya. Dun sila nagkakilala."
"I see."
Maya-maya pa..
"Ladies and gentlemen, let's welcome the newly weds."Sabi ng emcee.
Pumasok na sa venue ang newly weds. Bakas sa mga mukha nila ang sobrang kasiyahan. The bride looks stunning in her off-shoulder bridal gown. Ang ganda niya, kamukha niya si Anne Curtis, pero morena version nga lang. The groom also is a very good looking guy. Wala akong artistang maisip na kahawig niya. Haay.. Nakakainggit.
"Okay ka lang?"
"Ang ganda niya."
"So are you."
"Uy, kanina kapa ha. Tigil-tigilan mo yang pambobola mo."
He grinned. "Sorry, but I won't.. Halika, lapitan natin yung bagong kasal."Sabay hatak sa akin.
BINABASA MO ANG
Till My Heartaches End
FanfictionShe was betrayed by the man whom she trusted and loved so dearly. Nikki fell into pieces and did not know how to get back on her feet. She was hurting so bad when Albie came. But he was not there to put her pieces back, he taught her how to. Would...
