Prologue

178 4 2
                                    

Nang makarating kami sa barbequehan ay agad kaming humanap ng pwesto.

Maaga pa lang ay marami ng nag-iinoman. Napailing ako, sigurado akong hindi pa aabot ang dilim ay marami ng lasing.

“What do you want to eat?” biglang tanong ni doc Star.

“Isaw.”

“Ayaw mo ng hotdog? 'Yong medyo sunog na may cheese at malaki pa at talagang hahanapin mo araw-araw?” pabirong tanong ni nurse Clarisse. Agad ko naman siyang binatukan.

“Siraulo mo!” at nagtawanan naman kami.

“Oy, masyado kang green minded doc ha?” napailing-iling naman ako.

“Gago ka pala eh!” Napatingin naman ako sa taong biglang sumigaw.

Nagsalubong ang kilay ko ng bigla niyang ibinato ang beer sa gilid ng taong mukhang kaaway niya.

Napataas naman ang kilay ko sabay krus sa aking braso.

“Ang beer ay dapat sa tiyan nilalagay hindi sa utak, tsk tsk tsk!” sabi ko, sabay iling-iling.

“Mas gago ka!” Biglang tumayo ang muntikan niyang matamaan ng beer. 'Tapos ay bigla niyang kwenilyohan ang lalaking nagbato ng beer.

Napangiwi naman ako ng biglang ngumisi ang lalaking kwenilyohan.

“Omg! Wala bang pipigil sa kanila!?” biglang tili ni doc Star.

“Hayaan mo sila, sila rin naman ang mabubugbug. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang nila. For sure pagkatapos niyan iiyak sila sa sakit dahil sa kabobohan nila. Sila lang din naman ang nagbibigay ng problema sa sarili nila.” Sabay pandikwatro ko.

“Paano kung may madamay na iba?” biglang tanong ni nurse Clarisse.

“Ibang usapan na 'yan.”

Matalim ang bawat tingin ko sa dalawang nag-aaway. Para nilang pinapatay ang sarili nila sa pamamagitan ng maririin na tingin sa isa't isa.

Mas lalong ngumisi ang kwenilyohan na mahaba ang buhok. Kaya nagsalubong naman ang kilay ng isa at parang pikon na pikon na siya.

“'Asan ang yabang mo!? Hanggang kwelyo ka lang ba?” nang-iinis na sabi nong lalaking mahaba ang buhok.

KYAHHHHH!~

Biglang tili ng mga taong nanood dahil biglang sinuntok ng lalaki ang may mataas na buhok kaya agad itong napa-upo sa semento.

Ngumisi lang ang lalaking may mahabang buhok sabay punas sa dugong lumabas sa kanyang bibig. Unti-unti naman siyang tumayo habang may asar na ngiti pa rin sa labi. Biglang tumili ulit ang mga tao dahil sinuntok ulit ng lalaki ang may mahabang buhok.

Pero sa ngayon ay hindi na tumba ang lalaki. At bigla siyang tumawa ng nakakaloko.

“HAHA ang hina mo naman pre! 'Yon lang ba ang kaya mo? Matanda ka na nga talaga!” pang-aasar niya pa.

Talagang makikita mo rin naman sa mukha ng lalaki na napipikon na siya. Kaya ayon sinuntok niya ulit ang may mahabang buhok pero sa kasamaang palad ay naiwasan ng lalaki ang kanyang kamao. 'Tapos ay agad na hinawakan ng may mahabang buhok ang kamay ng lalaki at ibinalibag ito. Napasigaw naman agad ito sa sakit. Psh, ang payatot naman kasi nito!

“Huwag tama na 'yan! Nakiki-usap ako maawa ka sa asawa ko!” biglang may dumating na babae.

“Huh? Anong maawa? Eh hindi pa nga ako nagsisimula eh!”

Kumunot ang noo ko ng bigla lumapit ang babae at hinawakan ang kamay ng lalaki tila tinatanggal niya ang kamay na nakahawak sa kamay ng kanyang asawa.

“Bwesit na babaeng 'to! Umalis ka riyan! Kung ayaw mong masaktan!” nanggigil na sigaw ng may mahabang buhok. Pero ang babae ay hindi pa rin tumitigil.

Symptoms Of AffectionWhere stories live. Discover now