Kabanata 2

95 3 3
                                    


"What are you doing here?"
salubong ang kilay kong sabi sabay upo sa tabi niya. "As far as I know you have a VIP patient, what did you eat and all of a sudden you flew here in the Philippines?" I was so shocked when he suddenly called me na nandito siya sa pilipinas kaya agad ko naman siyang pinadiretso rito sa condo ko.

"Well, she's my last patient. Yesterday the surgery happened and then I arranged all my papers before the surgery happened. So that after the surgery, I can fly in the Philippines immediately. Wait, aren't you happy to see me here?" agad namang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Of course not Brix.”

Brix is my college classmate. Siya talaga ang pinaka-close ko na kaibigan doon tho may mga bagay kasi na kami lang nakaka-intindi sa isa't isa. Mas lalo kaming naging close ng parehas kami ng hospital na pinagtratrabahuhan.

"I'm just shocked. Well, sino namang hindi mabibigla nang bigla ka na lang tumawag na nandito ka na sa pilipinas, haler?" napatawa naman siya.

"I know, and also gusto kitang i-surprise. Anyway, pwede bang dito na lang ako tumira sa condo mo?" sabay ngiti niya ng pagkalaki-laki. Kaya agad ko naman siyang binatukan.

"Hoy, Dong! Umayos ka r'yan. Aba'y bumalik ka na lang sa Los Angeles kung pasasakitin mo lang pala ang ulo ko!" sabay nguya ko ng tacos.

"Ito naman parang hindi tayo magkaibigan ah? Gipit lang talaga ako ngayon, please?" Agad ko naman siyang binatukan ulit. Hmm maypagka Clarisse ang mokong.

"Nakaka-ilan ka na ah?" sabay nguso niya.

"Anong gipit? Pinagsasabi mo riyan? Sinong niloloko mo?"

"Sige na, ilang weeks lang naman hanggang makahanap ako ng condo."

"Hindi...hindi pwede!"

"Bebs naman eh, sige two weeks?"

"HINDI!"

"One week?"

"Hindi nga sabi!"

"Ito naman oh, nakaiinis ka naman eh!" parang hindi na ma-drawing ang mukha niya, salubong ang kilay niya at nakanguso.

"Hoy, Dong! Hindi mo ako madadaan sa ganyan!"

"Alam ko!"

"Tsk, diyan sa tabi nitong condo pwedeng diyan ka. Dito ka na matulog, bukas ay lumipat ka na!"

"Alam mo ikaw? Wala kang konsensya, kararating ko lang ginaganyan mo ako, napaka-mean mo sa akin," tinaasan ko naman siya nang kilay.

"Anong ginaganyan? Aba'y wala ka rito sa pamamahay ko ngayon, at hindi ka rito matutulog kung mea---"

"Just kidding!" Sabay peace sign niya. Babatukan ko na sana siya ulit pero agad naman siyang naka-iwas.

"Huwag mo nga akong batukan, ang sakit mong mambatok eh. By the way hindi ba't may pinuntahan kang party? What happened? Tell me, what happened between you and Grey?" kwenento ko kasi sa kanya ang tungkol kay Grey, kaya kilala niya ang virus na 'yon.

"Wala, walang nangyari."

"Talaga ba?"

"Tumahimik ka nga, kalalaking tao tsismoso!" Tapos ay tumayo ako para kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"So, when is the wedding?" napa-ubo naman ako. Agad kong isinirado ang ref at sinamaan siya ng tingin.

"Papatayin mo ba ako ha? Alam mong umiinom ako ng tubig eh!"

"Kailan nga?"

"Wala."

"Anong wala?"

"Tangina, hindi namin 'yun pinag-usapan. And stop asking me about it!"

Symptoms Of AffectionWhere stories live. Discover now