Kabanata 15

20 0 0
                                    

“Then be my officially girlfriend...”

Mas lumakas ng todo ang tilian at nagsitilian din ang mga taong nakatingin sa amin.

Tanginang Grey 'to! Kung sa bakbakan ay natatalo ko siya sa ka corny-han naman ay talagang hindi ako mananalo sa kanya.

“S-Sira! Kaliligaw mo lang.” Bigla naman niyang ipinatong ang siko niya sa mesa at mariin niya akong tiningnan kaya agad akong napalunok.

“Mahal mo naman ako bakit pa patatagalin?” Bigla ko namang nakagat ang sariling labi.

“U-umayos ka nga!”

“Is 22 years of waiting is not enough for you to say yes to me?”

“Bakit mahal mo rin ba ako? Magkaiba ang like at love. Sasagutin kita kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo.”

“Tsk tanga! Matagal na kitang mahal!”

Nagsitilian naman ulit ang mga tao. Napalunok ako at ang kamay ko ay pinagpapawisan na.

“Sagutin mo na 'yan bebs, nauubusan na ng lines si Doc Grey.” Biglang sabi ni Brix sabay lapag sa mga in-order niya sa mesa.

“SASAGUTIN NA 'YAN! SASAGUTIN NA 'YAN!” Biglang sigaw ng mga tao kaya si Grey ay agad napangiti. Agad ko naman siyang inirapan.

“Psh, fine...”

Bigla namang namilog ang mga mata ni Grey. We're both speechless.

“Uwu um-order kayo lahat si Doc Grey Laxamana ang magbabayad!” biglang sigaw ni Brix kaya namilog ang aking mga mata.

“Do you plan this?” tanong ko kay Grey na ngayon ay nakatitig sa akin. Agad  naman siyang umiling.

“Nope,” Napabuntong hininga naman ako sabay tango.

“Sino ang gustong uminom ng beer diyan!?” Tanong ni Brix habang iginayway ang beer sa ere. Kunot noo ko naman siyang tiningnan.

“Para kang agta sa ginagawa mo dong, huwag mong bigyan ang mga babae niyan at lalong-lalo na si Grey.”

“Kaya nga ako nagtatanong kung sino ang may gusto dahil 'yun lang ang bibigyan ko, nagka-jowa lang naging tanga na!” sinamaan ko naman siya agad ng tingin. Agad naman siyang nag-peace sign.

Kinuha ko naman ang hotdog. Kakagatin ko na sana ang hotdog nang mapatingin ako kay Grey. Mariin ang pagkatitig niya sa hotdog kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

“What?” kunot-noong tanong ko.

“N-Nothing.” Sabay iwas niya ng tingin. Tumaas ang kilay ko at kumunot naman ang noo niya nang bigla kong ibinigay ang hotdog na hawak ko.

“Nakatitig ka kasi sa hotdog na 'yan kaya ibinigay ko na baka eh 'yan ang hotdog na gusto mong kainin,” ngumiwi naman siya.

“Ahm y-yeah t-thanks,” ngumiti naman ako.

“Welcome, enjoy eating.” may halong pait ang pagngiti niya sabay kain sa hotdog na ibinigay ko. Kumunot naman ang noo ko sa inaasta niya, 'tapos ay kumuha ako ng panibagong hotdog.

“Is there a wine here?” biglang tanong ni Clarisse, kaya napalingon ako sa gawi niya.

“No Nurse Clarisse, they have only beer,” agad na sagot ni Brix.

“Oh, I See.” Tinanguan naman ni Brix si Clarisse sabay ngiti.

Napatingin naman ako sa tabi ni Brix. Kumunot ang noo ko ng makita si tuko I mean si Zyder. Na maraming barbeque ang nasa harapan niya at masayang nakipag-cheers sa kapwa naming doctor. Psh! Iwan ko ba kung bakit medyo kumukulo ang dugo sa kanya.

Symptoms Of AffectionWhere stories live. Discover now