Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay upang sampalin ang babae.
“Isang dapo ng kamay mo sa babaeng 'yan! Impyerno ang aabutin mo!” biglang sigaw ko, kaya agad silang napalingon sa akin. At nakataas sa ere ang kamay ng lalaking may mahabang buhok.
Tumayo ako habang nakataas ang aking kilay.
“Sinong tinatakot mo? Eh, baka gusto mong ibundol ko kayong dalawa!” napalunok ako, dahil bigla niya lang itinulak ang lalaking hawak niya 'tapos ay dinakma niya ang buhok ng babae kaya agad naman itong napasigaw sa sakit.
Unti-unti namang tumayo ang lalaking itinulak niya at nanlilisik na tiningnan ang lalaking dumakma sa kanyang asawa.
Napabuntong hininga ako at mariing tiningnan ang lalaking may mahabang buhok.
“Bitiwan mo siya!” mariing sabi ko. Pero ang g*go ay ngumisi lang tila nang-aasar.
“Huwag mong hintayin na ikaw naman ang maaasar, huwag mong hayaang mangati ang kamay ko dahil ilang taon na rin ang lumipas nang hindi na nababahiran ng dugo ang kamay ko sa mga taong sira ang utak!” may halong galit ang bawat salita ko.
Mas lalo siyang ngumisi 'tapos ay hinila niya pa lalo ang buhok ng babae kaya agad itong napasigaw. Agad ko namang ikinuyom ang aking kamay dahil sa sobrang pikon. Humakbang ako sabay ngiti ng nakakaloko.
“Sinong tinatakot mo? Babae ka lang, isang pitik ko lang ay t'yak na iiyak ka!” napangiwi naman agad ako.
“Talaga? Eh, bakit hindi mo bitiwan ang babaeng 'yan at ako ang labanan mo? Tingnan natin kung sino ang iiyak sa ating dalawa!”
Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Sinong ginagago mo!? Eh, isa ka lang namang doctor!”
“Huwag mong sabihing natatakot ka? Tama ka! Isa lang akong doctor na nakapagpaggaling na ng maraming tao. Eh, ikaw? Anong nagawa mo? Ang uminom ng uminom? Na kahit alam mong wala ng makain ang pamilya mo! Mas inuuna mo pa ang bisyo mo! ” nang-aasar na sabi ko.
“Huwag kang magyabang na parang bang kayang-kaya mo ako! At huwag kang umakto na parang kilalang-kilala mo ako g*go!” agad naman akong napangiwi.
“Hmm, baka ako ang hindi mo kaya? Kaya huwag kang magmayabang! Bakit ikaw? Kilala mo ba ako? Maliban sa nakikita mong suot ko ngayon?” bigla naman siyang napatawa.
“Kung talagang kaya mo ako bakit hindi ikaw mismo ang kumuha sa babaeng hawak ko!? Ha doc! Sa operasyon ka lang magaling huwag kang umasta na parang alam na alam mo ang lahat! ” napatawa naman agad ako.
Humakbang ako palapit sa kanya pero bigla naman siyang umatras kasama ang babae. Kaya napangisi ako. Napatingin ako sa paligid, maraming taong nakatingin, pati na rin ang asawa ng babae ay nakatingin sa akin. Kaya agad ko siyang tinanguan na para bang sinasabi kong magtiwala siya sa akin. Tumango naman siya tila sumang-ayon. Hmm mukhang nawala ang kalasingan ah?
Napatingin naman ako sa isang upuan hindi masyadong malayo sa lalaking may mahabang buhok. Ngumisi ako sabay tingin sa kanya. Malas lang siya dahil naka slacks ako ngayon. Masyadong maganda ang uniporme ko at ayaw kong madumihan ito.
Dahan-dahan akong naglakad palapit at kinuha ang isang beer na nakapatong sa mesa. At bigla itong ibinato patungo sa may mahabang buhok. Namilog ang kanyang mga mata at agad sinalo ang bote kaya bigla niya namang itinulak ang babae para masalo lang ang bote.
Napangisi ako at agad na hinawakan ang babae at tinulak patungo sa kanyang asawa. Agad naman akong tumakbo patungo sa may upuan at agad na tumalon sabay tadyak sa dibdib ng lalaki kaya nabitawan niya bigla ang bote at gumawa ng nakakaingay na tunog ang bote nang bumagsak ito sa semento.
YOU ARE READING
Symptoms Of Affection
Romance#375 in Popular Action/Romance I hope I became a stethoscope, so I can find out if I'm still the one who makes your heartbeat crazy when I'm close to you. Thank you pala sa nagbigay ng title (^^)