Kabanata 16

21 2 0
                                    

“You'll gonna happy I know,” biglang sabi ko. He was typing on his laptop when he turned his gaze to me after hearing what I had said.

“What do you mean?” tanong niya at agad ibinalik ang paningin sa laptop.

Ibinaba ko naman ang librong binabasa ko at tiningnan siya.

“Chesca will come here to give me the dress she wants me to wear.”

Namilog ang mga mata niya nang lingonin niya ako. And then he closed his laptop.

“Really? And don't be mean with your sister, you should respect her at least? ”

“Yeah, whatever! ”

“Oh, I have to fix myself. Anyway  where are you going? Why would she bring you a dress?”

Tumaas ang kilay ko at ngumiti ng patagilid. Nag-lip bite ako nang lingonin ko siya.

“I have date tomorrow. ”

“W-what? Is it Grey?”

“Yeah.”

“A-are you crazy?” Nanlaki ang mga matang tanong niya.

“What?” Kunot-noong tanong ko.

“I mean, g-good for you.” Sabay iwas niya ng tingin at biglang binuksan ang kanyang laptop.

Ngumiti ako at sumandal.

“ My first ever date in my whole life.” sabi ko habang nakatitig sa kisame.

“So absent kayo bukas?” Nakangiwi ko naman siyang nilingon.

“It's just breakfast. ”

“Hah! Breakfast lang, dapat talaga dress?”

Bigla naman akong umakto na babatohin siya. “Aish! Baka sa 'yo ko ipasuot ang dress? Masyado kang paki-alamero!”

“Nagtatanong lang eh, syempre may doctor bang nagde-dress during surgery?”

“Bakit hindi mo isipin ang tanong mo? Bobo lang? May doktor bang nagde-dress? Syempre wala! Isipin mo syempre magbibihis ako pagdating sa opisina ko. Isip-isip naman minsan!”

“Oo na, ikaw na ang matalino! Ikaw din minsan isip-isipin mo rin ang mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo.” Sabay ikot ng eyeballs niya.

“Whatever dong, mahal mo pa rin ako, so okay lang 'yan.”

“Kaya ang swerte mo!”

“Maganda lang talaga ako kaya maraming nagmamahal.” Sabay tapik sa dibdib ko.

“Masyado kang mahangin, talagang masayang-masaya ka 'no?” ngumiti naman ako nang pagkalaki-laki.

“Sino namang hindi? Kulang na nga eh mabaliw ako. Or should I say baliw na nga ako?”

“Psh, baliw ka na nga, marupok pa.” Sabay iling-iling niya.

“M-Marupok? Ako marupok?” Ngumiwi siya at tinitigan ako.

“Hindi pa nga lumulubog ang araw, eh sinagot mo na siya. Anong tawag sa ginawa mo ha aber?”

“Na-ipit lang ako.”

“A-ano? Nababaliw kana ba talaga?” nanlaki ang mga mata niyang sabi.

“Well, mahal ko naman siya bakit ko pa papatagalin?”

“Tsk, what a crazy doctor,” Sabay baling niya sa kanyang laptop.

Kumibot naman ang labi ko at inirapan siya. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, sa kalye na 'to natulog. Psh!

Symptoms Of AffectionWhere stories live. Discover now