Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga naiisip ko tungkol sa kung sino ang makakasama ni Brix sa iisang kwarto.
“You know what? You look awful, what happened?” ngumuso naman ako. At binuksan ang opisina ko. “It started when you enter the presidents office, you look like you want to eat a lion, is there something wrong?”napabuntong hininga naman ako.
Sabay upo ko, at umupo naman siya sa harap ko habang itinukod ang dalawang siko sa mesa, at seryoso niya akong tinitigan.
“May tuko kasing sumira sa araw ko, psh! May tanong ako?”
“Hmm, what is it?”
“Anong itsura ko?”
“Get your spoon and look at it. That's your face look like.” Agad namang lumipad ang magazine sa kanyang mukha.
Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. “ I'm deadly serious here!” pagalit na sabi ko.
And then he rolled his eyes.
“Eh nasa harap mo lang ang salamin. Bakit hindi mo tignan ang mukha mo sa salamin. Kung anong klaseng pagmumukha ang mayroon ka!”
“Iba kasi kung ikaw mismo ang magsabi kung ano ang nakikita mo sa mukha ko. Kasi kapag titingin ako sa salamin edi s'yempre ang sasabihin ko na ang nakita ko sa aking mukha ay maganda alangan naman i-down ko ang sarili ko. Kaya sumagot ka mukha ba akong matanda o hindi?”
Iniligay pa niya ang kamay sa panga niya tila pinag-iisipan ng mabuti ang sasabihin.
“Medyo, but it's fine,” mas lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya.
“See? Hindi ka naman naniniwala kapag nagsasabe ako ng totoo!”
“Hindi naman talaga totoo 'yan, psh! Kung makapagsalita kayo eh parang hindi tayo magka-edad ah? Kung mukha akong matanda edi mukha rin kayong matanda!” bigla naman siyang tumawa.
“You know what? You look funny, kung ano-ano na lang iniisip mo. Sino ba kasi ang nagsabing mukha kang matanda? Bakit bigla mo iyang natanong?” agad naman akong nag-iwas ng tingin.
“Ang tarantadong tukong 'yun...ang sarap bigwasan akala mo naman sobrang gwapo niya para pagsabihan niya ako na mukhang matanda. Ang gagong 'yun, kung maghubad ako sa harap niya t'yak akong maninigas ang harap niyang mukhang stick, tangina! Napakaganda kong doctor, and never been touch, aba'y ang swerte niya na. But haler hinding-hindi ko hahayaan na makahawak siya sa 'kin no? Hindi pa siya nakakahakbang palapit sa 'kin ay OR ang aabutin niya! Siya mismo ang mag-opera sa sarili niya! Tangina! Akala mo naman kasing laki ng hotdog ang ano niya, eh kasing laki lang naman ng daliri niya, sarap bigwasan ang tangina!”
Pagtingin ko kay Brix ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Bigla naman niyang kinuha ang bottle water at ibinigay sa 'kin. Agad ko naman itong kinuha at ininom.
“Done? Inhale, exhale? Be calm okay? Parang ako ang hindi makahinga sa ginagawa mo. It's not that a big deal. Why you look so angry? It is just a word pero kung natamaan edi natamaan ka.” Napahawak naman ako sa aking sentido.
“Psh, just shut up. Wala ka namang ambag eh, kaya makinig ka lang ha? Dahil hindi ko naman hinihingi ang opinyon mong walang silbi okay?”
“Whatever, just forget it. Bakit hindi mo na lang ako i-tour?”
“Psh, baka makita ko pa ang tukong 'yun mas lalo lang iinit ang mga organs ko...”
“Seriously? How about Grey? You don't want to see him?” agad naman akong napanguso.
“Lintik na Virus din 'yan hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi dahil sa kanya, psh! Akala mo naman maghahabol ako sa kanya!”
“Talaga ba? What if you'll see him with the other girls? Hindi ka magseselos?”
YOU ARE READING
Symptoms Of Affection
Romance#375 in Popular Action/Romance I hope I became a stethoscope, so I can find out if I'm still the one who makes your heartbeat crazy when I'm close to you. Thank you pala sa nagbigay ng title (^^)