Chapter 10

314 14 3
                                    

SPG-18

NAKADAMA ng inis si Xymonette at konsensiya na rin dahil pinagtuunan niya pa ng pansin ang kapatid ng namayapang ex-girlfriend ni Theos kaysa magtiwala sa kabaitan ng nobyo. Matapos makaalis si Xymonette sa lugar kung saan dapat sila magkikita ni Patricia ay kaagad sumakay siya sa taxi upang puntahan si Theos.

Baka hanggang ngayon ay malungkot pa ang nobyo, sa naibalik niyang nakaraan nito na nagdulot dito nang matinding dagok noon.

Nang makarating siya sa building kung nasaan ang penthouse ni Theos, ay nagmamadali siyang lumakad papasok doon at sumakay sa elevator saka pinindot ang floor kung nasaan ang penthouse nito.

Hinihiling niya, na sana nga ay naroon ang kasintahan at sana ay hindi sumama ang loob nito sa kaniya dahil sa pag-aalam niya ng katotohan mula sa nakaaraan nito at sa dati nitong kasintahan.

Nang bumukas ang elevator ay nagmamadali siyang lumakad patungong pinto at kaagad na pinindot ang door bell. Wala pang limang segundo, ay bumukas na ito na ikinagulat niya at si Theos na walang saplot pang-itaas ang sumalubong sa paningin niya.

"You came," nakangiting sabi nito sa kaniya.

Hindi pa siya nakakahuma sa gulat nang hilahin ni Theos ang braso niya at maalab siyang hinalikan sa labi, na hindi niya nagantihan. Narinig na lang niya ang tunog ng pagsara ng pinto. Humiwalay si Theos sa paghalik sa kaniya at hinawakan ang isang kamay nito ang pisngi niya.

"Your friend isn't here, so we can do what I want," nang-aakit na sabi sa kaniya ni Theos at punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

Alam ni Xymonette ang ibig sabihin ng nobyo pero hindi niya lang inaasahan na ganoon ang Theos madadatnan niya sa penthouse nito at parang wala lang dito na galing siya sa pakikipagkita kay Patricia, na kapatid ng namayapang nitong kasintahan.

"T-Theos are you okay? I thought—"

"I'm okay and very happy to see you again," masayang tugon ni Theos na pinutol ang sasabihin sana niya.

"That's good," aniya.

Muli ay maalab na naman siyang hinalikan ni Theos na ngayon ay ginantihan na rin niya. Binalewala ang pagtataka sa nobyo sa isip at kagaya ni Theos, ay nagpakalunod na rin siya sa halik nito.

Naisip niya na maaaring kaya masaya ang nobyo na makita siya dahil alam nito na nagtitiwala siya rito at kahit hindi nito alam, na hindi naman sila nakapag-usap ni Patricia, ay wala nang pakealam doon si Theos at ang mahalaga rito ay dumating siya ay pinuntahan ito.

Isinandal siya ni Theos sa likod ng pinto at naramdaman niya habangg hinahalikan siya ng binata ay ipinasok nito ang kamay sa blouse at ipinasok sa loob ng bra saka minasahe ang isa niyang dibdib na dahilan para mag-umpisa ng mag-init ng kaniyang katawan. Humiwalay siya kay Theos at nakita niya ang pagtataka sa mukha nito dahil sa ginawa niya.

"Let's go to your room," aya niya sa binata.

Hindi nagsalita si Theos at nagtaka siya nang hawakan nito ang dulo ng blouse niya at hubarin iyon saka sinunod ang bra niya.

"I want it to do this here," seryoso nitong sabi sa kanya," and take you in any part of my house," dagdag nito.

Hindi pa siya nakakatugon nang halikan na naman siya ni Theos, maalab at mapaghanap na tinugunan na rin niya. Kung iyon ang gusto ni Theos, ay hahayaan niya ito dahil total naman ay sila lang ang nasa bahay at kahit saan sila magtalik sa parte ng bahay nito, ay walang ibang makakakita sa kanila.

Bumaba ang labi ni Theos sa leeg niya at naramdaman niya na hindi lang basta halik ang pinararaanan nito sa balat niya kundi may maliliit na kagat pa na medyo mahapdi at napapakapit siya sa ulo ni Theos. Hindi na niya sinisita dahil may kalakip na kiliti rin naman ang ginagawang iyon ni Theos.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon