Chapter 8

304 11 9
                                    

NASA penthouse niya ngayon si Theos at nakatutok sa laptop dahil sa trabaho nang tumunog ang cell phone niya at nang tignan niya iyon at makilala kung sino ang tumawag, ay kaagad niyang pinindot ang answer call.

"We need to talk. Alpha is back," seryosong sabi ng nasa kabilang linya na lalake.

Pinutol na ng tumawag matapos sabihin iyon at saka niya binitiwan ang cell phone at matiim na nakatitig na lang siya sa hawak niyang cell phone.



---


WALANG lakad ngayon sina Xymonette at Theos dahil may aasikasuhing mahalagang trabaho raw si Theos at mawawala ito ng dalawang-araw kaya ngayon ay sa coffee shop na muna siya nag-stay kasama ni Karina. Hindi naman siya tumutulong doon kundi nakaupo lang siya sa isa sa mga upuan nakaharap sa laptop at nagba-browse ng mabibili sa isang kilalang store sa online shop.

Binigyan siya ng ATM card ni Theos at ipinadala lang ito ng binata sa tauhan bago ito tuluyang umalis at nagbilin na maaari niyang bilhin ano man ang magustuhan gamit ang ATM card na iyon.

Habang nagba-browse siya sa online shop, ay nagulat na lang siya nang may humampas ng dalawang kamay sa lamesa niya. Kaagad napaangat ang tingin niya sa gumawa niyon at galit ang mamumutawi sa mga mata ng taong gumawa niyon.

"You! Why you did that to my husband?" galit na sigaw nito sa kaniya.

Nagtaka siya at nakadama ng iritasyon dahil nandito na naman si Akisha at ginugulo siya at siguradong dahil na naman iyon sa asawa nito.

"Ano na namang problema mo?" inis na tanong niya. "Kada may problema na lang ba kayo ng asawa mo, ay ako ang susugurin mo rito at aawayin?"

"Dahil palagi ka na lang sangkot sa anumang nangyayari sa asawa ko!" galit na tugon sa kaniya ni Akisha.

"Ako? Paano ako ngayong naging sangkot diyan sa asawa mo samantalang simula nang huli kayong nag-eskandalo rito sa coffee shop, ay hindi na kami nagkita ng asawa mo?" tanong niya ulit kay Akisha.

Napatingin na si Xymonette sa paligid at ang ang iilang customer doon ay nakukuha na ang atensiyon at sa kanila na nakatingin. Naramdaman din niyang may presensiyang lumapit sa kaniya at paglingon niya ay ang kaibigan niyang si Karina ang lumapit at may pag-aalala sa mukha nito.

"Kung hinahanap mo ang asawa mo rito, Misis, ay wala siya rito at hindi naman siya napapagawi rito simula nang huli kayong pumunta," kaagad na paliwanag ni Karina kay Akisha.

"Hindi talaga pupunta rito ang asawa ko!" tugon ni Akisha.

"Hindi naman pala at alam mo naman palang hindi, so, bakit nandito ka at ginugulo mo na naman ako?" naiiritang tanong na niya kay Akisha.

"Dahil nasa Ospital siya ngayon at lumpo na dahil sa kagagawan mo!" sigaw ni Akisha at tumulo ang mga luha nito nang walang tigil.

Natigagal at nagulat si Xymonette sa sinabi ni Akisha at naguluhan sa sinasabi nito dahil bakit siya ang may kasalanan ng pagkaka-ospital ni Harry at pagkakalumpo nito samantalanag wala naman siyang kinalaman doon.

"A-anong ginawa mo, Xymonette? Bakit nagkaganoon ang asawa ko?" umiiyak na tanong sa kaniya ni Akisha.

"B-bakit ako? Wala naman akong kinalaman sa pagkaka-aksidente niya?"

"Hindi siya naaksidente! Tinawagan lang siya ng nobyo mo at mag-uusap lang daw sila pero ilang-araw na nawala si Harry at natagpuan na lang na halos wala ng buhay sa labas ng condo niya. Nadala siya sa Ospital pero matindi ang tinamo niya sa ulo kaya hindi na siya makausap ngayon ng matino at lumpo na," umiiyak na kuwento ni Akisha.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon