Chapter 24

202 9 5
                                    

NADALA silang tatlo na nasa taxi sa Ospital dahil nagkaroon ng sugat sa noo si Karina dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa pinto ng taxi habang ang taxi driver naman ay nagka-injury sa leeg at nabagok din ang ulo. Hindi naman malala ang kalagayan ng dalawang kasama ni Xymonette sa taxi kaya madali ang mga ito nagamot ng Doktor. Walang kahit anong natamo si Xymonette na injury, nahilo lang siya kanina sa lakas ng impact ng pagkakabunggo at sa paghampas ng katawan niya sa upuan sa harapan pero ngayon ay mas matindi ang takot na nadarama niya.

May kumuha ng dala nilang envelop na ebedensiya sana para ipasuplong sa Pulis si Theos at alam niya na kagagawan ng kumuha ng envelop na iyon ang pagkakabangga nila. Hindi nga nila nakilala ang kotseng bumunggo sa taxi dahil pagkabunggo sa kanila ay mabilis din itong umalis at iniwanan sila. Ang sabi ng mga testigo ay walang plate number ang sasakyan pero nasabi nila ang model ng kotse.

Alam ni Xymonette na si Theos ang may kagagawan niyon para siguro kunin ang mga ebedensiyang hawak nila at hindi iyon maibigay sa mga Pulis. Wala namang ibang gagawa niyon at kukuha ng litrato na iyon kundi si Theos at maaaring tauhan ni Theos ang kumuha para ibalik dito ang litrato o baka para mawala na ang ebedensiyang iyon.

"Hanggang kailan ba ako magpapahinga rito, Monette, maayos naman na ang lagay ko maliban sa sugat ko sa noo," sabi ni Karina na nakahiga sa kama sa outpatient room.

Napatingin si Xymonette kay Karina saka napabuntonghininga.

"Mamaya ka na tumayo riyan at magpahinga ka muna," tugon niya.

"Pero dapat magpunta na tayo sa mga Pulis at ibigay natin ang mga litrato—"

Tumingin si Karina sa kamay nito ganoon din sa kaniya at naghanap pa ito.

"Teka, nasaan ang mga litrato? Iniwan mo ba sa taxi?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Karina.

"M-may kumuha," tipid na tugon niya.

"Ha? Sino?"

"H-hindi ko alam. Noong wala kang malay habang ako naman ay hilong-hilo ay may nagbasag ng bintana banda sa'yo saka inabot ang envelop na may lamang litrato saka umalis. Hindi ko siya nakilala kasi naka-helmet siya at nakasakay sa motor kaya mabilis ding nakaalis," tugon niya.

"Hindi kaya sadya ang pagkakabangga sa ating kanina at para kunin ang hawak nating ebedensiya? Maaaring si Theos din ang may gawa niyon."

"Iyon din ang nasa isip ko," tugon niya kay Karina.

"Magsumbong pa rin tayo sa Pulis kahit wala tayong ebedensiya," anito.

"Sa tingin ko ay hindi tamang gawin iyon, Kari," tutol niya. "Mas mabuting umalis ka na muna. Magpunta ng probinsiya at susunod na lang ako kapag nasigurado kong safe si Fleo."

"Hindi naman pwedeng iwanan kita mag-isa rito!" matigas na tutol ni Karina sa suhestiyon niya.

"Pero natatakot akong baka mapahamak ka dahil sa akin kung kasama kita rito. Napahamak ka na nga, eh, ngayon lang at heto tayo, nasa Ospital dahil sa may bumangga sa sinasakyan nating taxi papuntang Police Station. Sa ginawa niyang pagbangga sa sinasakyan natin at nasaktan ka pati ang driver na walang kinalaman sa gulo na nagawa ko, ay nasisigurado ko na lahat ay kayang saktan o patayin ni Theos dahil sa akin.

"Tiyak ko rin na kaya niya kinuha ang ebedensiyang hawak natin upang hindi natin siya mapakulong at matatalo rin naman tayo kapag nagsumbong tayo sa Pulis na wala kahit anong matibay na ebedensiya!" tugon niya kay Karina.

"Kung aalis man ako ay dapat kasama ka! Hindi kita iiwanan!"

"Hindi rin tayo p'wedeng umalis ng sabay, Kari. Pakiramdam ko ay binabantayan tayo ni Theos dahil alam niya na dumating na sa atin ang delivery mula sa kaniya at umalis tayo na dala iyon. Mauna ka na lang umalis at huwag kang magdala ng maraming gamit.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon