Chapter 41

297 11 4
                                    

"ANO bang nangyari sa'yo, Monette, bakit nanginginig kang umuwi rito saka paano ka nakatakas sa hayop na lalaking iyon? Tumakas ka ba kaya ka biglang napauwi rito? S-saka bakit parang may mantsa ng dugo ang damit mo? Sinaktan ka ban g hayop na iyon?" sunod-sunod na tanong ni Karina kay Xymonette at punong-puno ito ng pag-aalala sa kaniya.

Pagkalabas niya sa basement at sa likod ng bahay na may maliit na gate ay nagtatakbo siya hanggang sa makarating siya sa kalsada at pumara ng masasakyan. May nagmagandang-loob na pasakayin siya at inalok pa nga siya ng tubig at dalhin sa Ospital o hindi kaya ay sa Police station, marahil sa itsura niya na may talsik pa ng dugo.

Pero tumanggi si Xymonette at sa bahay nila ni Karina siya dumiretso at doon naabutan niya ang kapatid na mukhang kagigising lang habang nagluluto sa kusina. Nagulat pa ang kapatid sa pagsulpot niya.

"H-hindi ako tumakas kay Theos. Pinatakas niya ako," nauutal niyang tugon.

"Ano?" gulat na tanong ni Karina saka umupo sa tabi niya at nakatitig na sa kaniya.

"May mga taong gustong pumatay kay Theos. Sumugod sila sa bahay kung nasaan kami at nagkapalitan ng bala ng baril k-kaya nagdesisyon si Theos na patakasin ako d-dahil muntikan na rin akong mabaril," kwento niya kay Karina.

"Oh my God!" bulalas ni Karina. "Mabuti at naisip niyang patakasin ka at hindi hinayaang sa tabi niya at mapahamak," anito.

"Pero sana nasa tabi na lang niya ako," umiiyak niyang tugon. "K-kaysa nangangamba ako ngayon dahil baka natalo siya sa labanang iyon at mawala siya sa akin."

"Monette," hindi makapaniwalang bulalas ni Karina.

"M-mahal ko na si Theos, Karina, hindi ka man maniwala pero iyon ang totoo at kahit ako noong una hindi ko mapaniwalaan iyon at hindi ko matanggap. Pero ngayong alam kong nasa kapahamakan siya ngayon ko nagpagtanto na mahal na mahal ko siya at wala na akong planong malayo pa sa kaniya," umiiyak na amin niya sa kapatid. "Mali man ang naging umpisa namin ni Theos ay nabago ang lahat nang iyon ng pagsasama namin at kung paano niya ako protektahan na kahit ang buhay niya ay kaya niyang ibigay mailigtas lang ako.

"Kagaya na lang ngayon na pinili niyang paalisin ako para hindi ako masaktan ng mga masasamang taong iyon na gustong pumatay sa amin. Mahal na mahal niya ako at handa siyang mamatay para lang sa akin," aniya at napahagulgol na siya.

Naawang niyakap siya ni Karina at wala siyang kahit anumang narinig sa kapatid na masasakit na salita para kay Theos. Alam niyang naiintindihan nito ang kalagayan niya dahil mabait ang kapatid niya at palagi siya nitong iniintindi.

Pinagpahinga na muna si Xymonette ng kapatid at dahil sa pagod at kakaiyak ay nakatulog siya sa dati niyang kwarto pero naalimpungatan siya at alas-dos na iyon ng hapon dahil sa ingay sa labas ng kwarto niya. Nakadama ng takot si Xymonette dahil baka mga kalaban na naman iyon at nalaman ang bahay nila magkapatid at nakadama siya pag-aalala kay Karina na tiyak niyang nasa sala.

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Karina, kaharap ang mga kaibigan ni Theos.

"Kung gulo lang ang dahilan kaya kayo nandito ay umalis na kayo! Nagpapahinga si Monette—"

"Kari, ayos lang," mabilis niyang sabat saka nagmamadaling bumaba at hinarap ang mga kaibigan ni Theos. "N-nandito ba kayo dahil pinakiusapan kayo ni Theos na sunduin ako?" tanong niya. "Ligtas ba ang asawa ko at itinatago niyo lang?" tanong niya saka napangiti.

"I'm sorry, Mrs. Morgano pero hindi magandang balita ang dahilan kung bakit kami nandito," tugon ni Knight.

Nanlaki ang mga mata niya saka nanginig ang mga kamay niya.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon