Chapter 34

188 5 6
                                    

GABI na nang nakaluwas ng Maynila si Theos at sa bahay ni Demetrio siya nagtungo pero naabutan niya ang babaeng pinuntahan niya na lumabas ng bahay na nakasuot ng maong pants at blouse saka sumakay sa kotse nito kaya walang nagawa si Theos kundi sundan kung saan ito patungo at sa isang bar si Demetrio nag-park saka pumasok sa loob ng bar.

Nag-park na rin si Theos saka sumunod kay Demetrio na pumasok sa loob ng bar at hindi na nag-iisa ang babae dahil may mga kaibigan pala itong makakasama sa lugar na iyon at nangunot ang noo niya nang makita ang nakakatandang kapatid ni Knight na isa ring Doktor kasama ang mga kaibigan nito at may hawak pang musical instrument ang ibang kaibigan ng kapatid ni Knight.

"Thaddeus."

Napalingon si Theos sa tumawag at walang iba iyon kundi si Knight na nasa likuran niya at nagtatakang nakatingin sa kaniya.

"What are you doing here?" takang tanong nito sa kaniya. "I heard you and Xymonette got married this morning, so why are you here tonight and not with your wife?"

"Nandito ako para patayin ang taong ang posibleng ang Alpha," seryoso niyang tugon kay Knight.

"Anong ibig mong sabihin? Kilala mo na kung sino ang Alpha at nandito siya?" gulat pero mahinang tanong ni Knight sa kaniya.

"Yes," tugon niya. "Pero hindi pa ako sigurado," tugon niya.

"Knight!"

Napatingin silang dalawa sa tumawag kay Knight at walang iba iyon kundi ang kapatid nito na si King at nakangiting nakatingin sa kanila saka sumenyas na lumapit sila sa kinaroroonan ng mga ito.

"Kung papatay ka ng tao ay huwag ngayon dahil nandito ang kapatid ko. Sabihin mo na lang kung sino ang pinaghihinalaan mong Alpha para tulungan kita na tapusin siya sa oras na umalis ang kapatid ko at mga kaibigan niya," tugon ni Knight sa kaniya.

"Kasama ng mga kaibigan mo ang pinaghihinalaan ko," tugon niya.

"W-what?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"Hoy!"

Napalingon na naman sila sa bigla na lang sumulpot at nag-hoy sa kanila. Maliit kasi kaya hindi nila napansin na nakalapit na ito at si Demetrio iyon.

"Siya ang pinaghihinalaan kong Alpha," sabi niya saka kukunin sana ang baril pero mabilis na nahawakan iyon ni Knight at napigilan siya.

"No! Don't f-cking do it now, you crazy psycho!" mahinang saway sa kaniya ni Knight.

Mukhang hindi narinig ni Demetrio ang pinag-uusapan nila dahil lumilinga pa ito sa paligid.

"Tawag ka na doon, Doktor Knight, dinaanan na kita kasi dito rin papuntang comfort room," sabi ni Demetrio nang tumingin sa kanila saka ngumiti.

"Pupunta kang comfort room?" tanong ni Knight habang hindi nagpapahalata na pigil nito ang kamay sa pagkuha sa baril na nasa likuran niya.

"Oo. Sasama ka?" tanong ni Demetrio kay Knight.

"H-hindi. Pupunta na kami kay Kuya—"

"Pupunta rin akong comfort room. Magsabay na tayo, miss—"

Sadya niyang pinutol ang sasabihin.

"Mikaelle," pakilala nito sa sarili.

"Nice meeting you," nakangiti niyang sabi. "Thaddeus nga pala ang pangalan ko at kaibigan ko si Knight," pakilala niya rin sa sarili.

"Hi," nakangiting bati ni Mikaelle sa kaniya. "Tara na," aya nito sa kaniya. At ikaw Doktor Knight pumunta ka na doon kasi nag-aantay na sa'yo si King," sabi pa nito kay Knight.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon