Chapter 30

265 12 2
                                    

MATAPOS makausap ni Xymonette si Karina ay nagdesisyon na siyang muli na magbiyahe pabalik naman ngayon sa Maynila. Kahit wala siyang pahinga ay hindi siya nag-alinlangan bumalik sa Maynila upang puntahan ang kapatid at matiyak ang kaligtasan nito.

Tatlong-oras lang ang lumilipas ay nasa terminal na siya ng Maynila at paglabas niya ng bus ay nagmamadali naman siyang pumunta ng kalsada para sumakay ng taxi pero hindi pa siya nakakapagpara ay may humawak na sa braso niya dahilan para mapalingon siya kung sino iyon.

"R-Red?" bulalas niya.

"Kaya pala nakatakas ka kagabi kasi hindi ka nakilala ng mga tauhan ko dahil sa gupit at kulay ng buhok mo," sabi nito saka pakaladkad siyang hinila at isinakay sa sasakyan nito. "Ihahatid na kita sa penthouse ni Thaddeus at magtino ka na kung ayaw mong mas matindi pa ang gawin sa'yo ni Thaddeus.

"Hindi ka naman na lugi sa kaibigan namin, bilyonaryo, magandang lalake at walang asawa kaya bakit kailangan mo pang magpakipot nang ganito at umabot pa sa kinailangan manakit niya ng mga kaibigan mo at dukutin ang kapatid mo?

"Magulo talaga ang utak niyong mga babae, kayo na nilalapitan ng mayamang lalake pero ginugusto niyo pa ring kumawala kahit kaya na naming ibigay ang lahat para sa inyo," mahabang sabi ni Red.

Nagmamaneho na ito ng sasakyan pabiyahe sa penthouse ni Thaddeus.

"Kahit latagan ako ng yaman ng kaibigan niyo ay hindi ko siya magagawang mahalain! Walang magmamahal sa mga baliw na kagaya niyo!" puno ng poot na tugon niya.

Natawa si Red. "But you can't do anything but tie yourself to a madman like us," nakangising tugon ni Red.

Kahit napopoot siya ay hindi na lang nagsalita pa muli si Xymonette. Tama kasi si Red na wala na siyang magagawa kundi pumayag na magpatali sa baliw nitong kaibigan para sa kaligtasan ng kapatid niya.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa penthouse hindi na pumasok si Red at umalis na nang makababa si Xymonette ng sasakyan saka siya naglakad papasok sa building ng hotel at sumakay ng elevator. Hawak pa niya ang bag na may lamang pera at alahas na ibinigay ni Theos sa kaniya.

Nang bumukas ang elevator at bumuga na muna siya ng hangin bago pumasok sa hallway papuntang penthouse at saka naglakad palapit sa pinto. Hindi pa niya pinipindot ang pin code nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Theos na may seryosong mukha.

"You cut and dyed your hair," komento ni Theos sa kaniya.

Hinablot ni Theo sang braso niya saka halos kaladkarin na papasok sa penthouse nito.

"S-si Karina? Nasaan siya?" tanong niya.

"She's with Leon," tugon nito.

Nanlaki ang mga mata niya saka malakas na hinila ang braso.

"Ang sabi ko gusto kong makita kasama mo ang kapatid ko ng ligtas—"

Hindi naituloy ni Xymonette ang sasabihin dahil mabilis ang kamay ni Theos na sinakal siya at nakakatakot ang matalim na tingin nito sa kaniya.

There is no mercy and a trace of anger in his eyes.

"Now I will be the one to follow now that you are in power! And for trying to kill me, you will receive punishment from me!" mahina pero mapanganib na sabi ni Theos sa kaniya. "Let's see if you can't learn to fear me from what I'm going to do to you now!"

NANGINGINIG ang buong katawan ni Xymonette habang walang saplot na nakatali ang dalawang kamay niya pataas ng kadena. Puno na ng latay ang katawan niya dahil sa hinampas ni Theos na latigo at iyon ang masakit na parusang ginawa ni Theos sa kaniya matapos siyang dalhin nito sa isang kwarto, na isa sa nakakatakot na kwartong napasukan niya. Sapilitang kinadena ang dalawang kamay pataas at pinunit nito ang damit niya na walang ingat kaya naglatay din iyon sa katawan.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon