Chapter 28

203 11 8
                                    

XYMONETTE is at a cheap motel to spend the night there. Hindi siya natulog kaagad dahil ginupitan niya ang mahaba niyang buhok at pinutol hanggang balikat matapos magawa iyon ay kinulayan din niya ng kulay red ang dati niyang blonde na buhok. Bago siya pumasok sa motel na iyon ay bumili na muna siya ng mga damit na iba sa mga nakasanayan niyang sinusuot, sombrero, mask, sunglass pati bagong cell phone na hindi de camera.

Xymonette will only use the cell phone to call Karina and let her know she is fine after meeting with Theos. Sinulat niya ang number ni Karina sa isang papel na kinuha niya ngayon sa bag na dala niya at tinawagan kaagad ang kaibigan.

"H-hello?"

"Kari, si Xymonette ito," tugon niya.

"Monette, nasaan ka na? Papunta ka na ba rito?" tanong ni Karina sa kaniya na puno ng pag-aalala.

"Nasa isang motel ako. Dito na ako magpapalipas ng gabi at bukas ng gabi ay saka ako babiyahe papunta riyan. Humanda ka na riyan dahil sa pagdating ko, ay aalis tayo kaagad," tugon niya.

"Nagkita na ba kayo ni Theos? Nakausap mo ba siya?"

"Oo. Higit pa sa pakikipag-usap ang nagawa ko dahil humiling ako na kapag nagkita kami ay bigyan niya ako ng five-hundred pesos para bayaran ang mga nadamay sa sunog.

"No doubt he gave me money and he also gave me a necklace that I know is worth millions that we can sell so that we have money wherever we go," tugon niya sa kaibigan.

"P-paano ka naman nakaalis sa poder niya na walang naging problema? Napatulog mo ba siya—"

"Sinaksak ko siya, Karina. Dapat lalasunin ko siya kaso nalaman niya kaya sinaksak ko na lang," pagtatapat niya kay Karina.

Narinig niya ang pagsinghap ni Karina, na halatang gulat na gulat sa sinabi niya.

"Pinagtangkaan kang gahasain ng kaibigan ni Theos! Kagagawan niya iyon at pati ikaw dinamay niya kaya sobra ang nadarama kong kapootan sa kaniya!" gigil na dagdag niya.

"P-pero baka dahil sa ginawa mo ay lalo lang silang magalit at baka saktan ka na nila—

"Kaya dapat tumakas tayo at magpakalayo-layo, Karina!" putol niya sa sasabihin sana ni Karina. "Maraming akong dalang pera. Nag-iwan na rin ako ng pera sa isa sa tauhan natin para bayaran ang nadamay sa sunog at ang sweldo ng mga tauhan natin kaya umalis man tayo wala na tayong problema sa sunog na naganap sa coffee shop natin ganoon din sa mga tauhan natin," tugon niya.

"Natatakot ako para sa kaligtasan mo," anito.

"Huwag kang matakot. Bukas ng gabi ay babiyahe na ako papunta riyan at madaling-araw nandiyan na ako," sabi niya.

"Mag-iingat ka, Monette," bilin nito.

"Ikaw rin," tugon niya.

After they ended the call, she arranged all the clutter in the room, including her things. She went to the door and tried to lock it carefully before returning to the bed and lying down.

Hindi sanay si Xymonette na matulog sa ganoong klaseng hotel, magpaiksi nang ganoong buhok at magsuot ng mga binili niyang damit pero wala siyang alinlangang gawin ang mga hindi niya nakasanayan upang hindi mahuli ng mga kaibigan ni Theos. She knew that even if she killed Theos, Theos' friends would find her and kill her.

Hindi naging maayos ang tulog ni Xymonette hindi dahil sa lugar na kinaroroonan niya kundi dahil na rin sa nadaramang takot na baka hinahanap na siya ngayon ng mga tauhan ni Theos at baka malaman ng mga ito na narito siya.

Her senses were so alert that she couldn't sleep well.

Idinaan na lang niya sa kape at pagkain upang hindi siya mawalan ng lakas sa oras na lalabas siya ng motel. Si Xymonette na mismo ang bumibili ng pagkain niya sa harapan lang ng motel, na nakasuot lang ng sombrero, mask at sunglass para walang sino man ang makakilala sa kaniya.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon