Chapter 21

201 10 3
                                    

TANGHALI na umuwi si Theos sa rest house nito at katatapos lang magluto ni Xymonette nang dumating ang binata saka dumiretso ito sa ikalawang palapag at nang bumalik si Theos ay nakapagpalit na ito ng damit.

"Kumain na tayo," aya ni Xymonette kay Theos nang maabutan niya itong nakaupo sa sofa sa sala.

Hindi nagsalita si Theos pero tumayo siya at tumungo sa dining room saka umupo sa upuan sa harapan ng mesa habang siya, ay nakasunod lang at umupo na rin sa kaharap naman ng puwesto ni Theos siya umupo.

"Saan ka nga pala galing?" usisa niya kay Theos.

"Galing ako sa rest house ni Flame. Bigla siyang dumating at may pinag-usapan kaming magkakaibigan," tugon ni Theos saka sumubo ng pagkain sa bibig.

"Oh, nandito na rin pala si Flame," aniya saka napangiti. "Ginulat talaga ako nang sinabi mo na pag-aari ni Flame ang isla na ito. Hindi ko kasi inakala na mayaman siya dahil sa pagtatrabaho niya sa sinner night bar bilang bartender," natatawa pa niyang komento.

Gusto ni Xymonette na maging magaan ang usapan nila ngayon at kahit paano ay magkasundo sila kaya ang naisip niyang maging topic ay si Flame at idaan na lang niya sa biro ang sinasabi.

"So, if you knew before that he was a wealthy man, he would have a chance with you?" seryosong tanong ni Theos sa kaniya.

Bigla ay nawala ang ngiti ni Xymonette sa mga labi at nakadama ng inis sa tanong ni Theos sa kaniya.

"Bakit hindi I would give him a chance if he introduced himself as a rich man when we first met and liked me. Total naman kagaya mo ay hot and—"

Malakas na hinampas ni Theos ang kamay sa lamesa dahilan para umalog ang plato na nasa harapan nito, na ikinagulat din niya at hindi naituloy ang sasabihin. Mababakas sa mukha ni Theos ngayon ang galit na may halong matinding paninibugho.

"Kung noon, ang lahat ng lalake na makakasalamuha mo na may gusto sa'yo at mayaman ay pinapatulan mo, ngayon ay hindi mo na puwedeng gawin iyon! Akin ka na, Xymonette! Kaya hindi ako papayag na pumatol ka pa sa iba o makaramdam man lang ng paghanga dahil ang gusto ko, ay ako na lang ang lalaking dapat mamahalin at hahangaan mo!" matigas na sabi ni Theos sa kaniya.

Hindi makapaniwala si Xymonette sa lahat ng mga narinig niya kay Theos ngayon at pakiramdam niya ay talagang inangkin na siya nang buong-buo hindi lang ang katawan niya kundi ang buong pagkatao niya samantalang magkasintahan lang sila at mayroon din siyang limitasyon kung hanggang kailan sila magiging magkarelasyon.

Tumayo na siya sa kinauupuan habang nakatingin kay Theos.

"Anong sinasabi mo, Theos? Iniisip mo bang pag-aari mo ako—"

"Bakit hindi ba? Xymonette, since you agreed for us to have a relationship and claim you, you are mine! I will give you everything you want and need, and I will ensure that I will not fail as long as you are content with me, and you will never leave me because I will never allow you to leave me!" matigas na tugon ni Theos sa kaniya.

"No!" mataas ang boses na tutol niya. "No man will own me. This is my life, so it's mine!"

Tinalikuran na niya si Theos at umalis sa dining room.

Pakiramdam niya ngayon ay nasasakal siya sa mga sinabi ni Theos at hindi siya komportable sa ganoong usapan o ganoon ang isang lalake sa kaniya, ayaw niyang may umaangkin sa buong buhay niya at patatali nang matagal sa isang relasyon kaya hindi niya gusto ang lahat ng narinig niya mula kay Theos.

Aakyat na sana siya ng hagdanan nang may humawak sa braso niya nang mahigpit at nahila pa siya nito kaya hinarap niya iyon, na walang iba kundi si Theos na may matalim nang tingin sa kaniya.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon