Chapter 20

171 7 1
                                    

Chapter 20

"THEOS!" sigaw ni Xymonette nang makita ang nobyo na sinasaktan si Kristoph at walang kalaban-laban ang dati niyang nobyo sa lakas at galit ni Theos.

Napasigaw nang malakas si Kristoph, na nakakuha nang atensiyon ng mga tao sa grocery store. Binitiwan ni Theos si Kristoph pero sinipa nito ang lalaki sa batok at mukhang nahilo si Kristoph dahil sa paninipang iyon ni Theos.

"No one can touch my girlfriend! I'm the only one who can do that!" sabi ni Theos saka malakas na sinipa sa mukha si Kristoph.

"Oh my God!" bulalas niya.

Namilipit sa sakit si Kristoph na duguan na ang ilong at bibig at laylay ang isang braso. Kitang-kita na nabalian si Kristoph ng braso at ang may gawa niyon ay si Theos. Nagpaplano pa sanang sipain na naman ni Theos ang kaawa-awang si Kristoph pero kaagad na siyang kumilos at humarang sa pagitan ng dalawa saka hinarap si Theos.

"No, Theos, enough!" sigaw niya sa nobyo.

Matalim ang tingin ni Theos sa kaniya na ikinalunok niya ng laway. Matinding galit ang makikita sa mukha niya.

"Why did you let that bastard hug you?" galit na sumbat ni Theos sa kanya.

"Theos he is Kristoph, m-my friend—"

"Friends? Don't fucking lie to me! I know that he is your fucking ex-boyfriend!" gigil na putol ni Theos sa sasabihin sana niya.

Nagulat si Xymonette sa sinabi ni Theos.

Paanong nalaman ni Theos na ex-boyfriend niya si Kristoph? Naekwento na niya ang karanasan niya sa piling ng ex-boyfriend pero kailan man ay hindi niya nabanggit ang pangalan ng dating nobyo kay Theos o magpakita man ng litrato nito sa nobyo.

May dumating na mga staff ng grocery store at dalawang guwardiya saka mabilis na lumapit sa kanila. Umuungol sa sakit si Kristoph kaya nilapitan kaagad ito ng guwardiya at staff. Nakadama tuloy siya ulit ng pag-aalala sa dating kasintahan kaya lalapitan sana niya ito pero maglalakad pa lang siya palapit dito ay pinigilan siya ni Theos at hiawakan braso saka hinila na siya palakad.

"No! Don't go near with that man!" gigil ang boses na pigil sa kanya ni Theos.

"Theos, kailangan niyang madala sa ospital dahil diyan sa ginawa mo!" inis na tugon niya kay Theos.

"I don't care! He deserves that because he touches you!"

Nakadama si Xymonette ng inis sa sinabi ni Theos kaya malakas niyang hinila ang braso upang mabitiwan siya nito pero hindi niya napagtagumpayang dahil mas naging madiin ang hawak ng nobyo sa kaniya at ayaw siyang bitawan.

"Ano ba, Theos! Bitiwan mo nga ako!" galit na niyang utos sa nobyo.

"Tapos ano? Pupuntahan mo ang lalaking iyan at makikipag-yakapan ka na naman?" galit na tugon sa kaniya ni Theos.

"Nababaliw ka na!" galit na sabi niya kay Theos at nagpapalag pero ayaw talaga siyang bitiwan ni Theos.

Mukhang napansin naman iyon ng guwardiya kaya lumapit kaagad ito sa kanila.

"Sir, huwag na po kayong gumawa ng gulo rito kung ayaw niyong tumawag ako ng Pulis at ipasuplong kayo," mahinahong sita ng guwardiya kay Theos.

"Ako ipapasuplong niyo?" may galit na tanong ni Theos sa guwardiya.

"Theos, ano ba?" galit niyang sita sa nobyo.

Malakas niya ulit hinila ang braso na ngayon ay hinayaan na nitong makawala siya at dinuro niya si Theos sa galit na nadarama.

"Hindi mo pa alam ang tunay na nangyari nagagalit at nananakit ka na kaagad!" galit niyang sumbat kay Theos. "Mauna ka nang umalis at sasamahan ko si Kristoph sa Ospital at huwag mo akong pigilan kung ayaw mong umalis ako sa isla at iwanan kita!" banta niya saka tinalikuran si Theos at nilapitan ang namimilipit na si Kristoph.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon