Chapter 2

517 15 8
                                    

MATAGUMPAY na napangiti si Xymonette. Hindi siya tinanggihan ni Theos at sabi nito ay hindi raw nito matatanggihan ang magandang babaeng katulad niya

So, that means he liked me, and my plan succeeded.

Um-order pa ng alak si Theos para sa kanilang dalawa at iyong mamahalin na ang pinili nito. Mukhang pinapa-impress na lalo siya ni Theos at mas marami siyang mainom na alak, ay mas lumalakas ang loob niyang akitin ang binata.

"Do you want to spend a night with me?" harasang tanong niya kay Theos.

Nakita niyang napangiti si Theos sa kaniya pero inosenteng ngiti iyon na walang halong pagnanasa, na katulad nang ipinapakita ng ibang mga lalaking tinatanong niya nang ganoon.

" Spending a night with you is not a big deal. But where? Masyado namang maingay rito kung dito tayo mag-uusap—"

"Sa hotel o kahit saan mo gusto," putol niya sa sasabihin pa sana ni Theos.

Hindi niya alam kung hindi ba talaga ni Theos na-gets ang sinabi niya o nagpapanggap lang ito.

"You don't know me," naiiling na tugon ni Theos sa kaniya at nakita niya ang pagiging maginoong binata nito habang nakatingin sa kaniya. "Do you really want to spend a night with a stranger? Aren't you afraid that I might do something terrible to you? You're a lady and a beautiful one," tanong pa nito sa kaniya.

Ngumiti si Theos sa binata saka hinaplos niya ang dibdib nito at nadama niya ang katigasan niyon kahit pa nakasuot ito ng polo.

"Bakit may masama ka bang gagawin sa akin?" nang-aakit na tanong niya. "Hindi ka naman mukhang gagawa nang hindi maganda." Napanguso siya. "Ayaw mo ba akong makasama?"

Disappointment filled her heart.

Mukhang kahit naaakit si Theos sa kaniya ay hindi ito basta pumapatol sa isang babaeng madaling maaya sa kama.

"No. I actually liked you, but I respect you. Ayoko namang sumama ka kaagad sa akin kung saan lalo pa't hindi mo naman ako ganoong kakilala," kaagad na tugon nito na nagpangiti sa kaniya.

"I think, you're a nice guy. At hindi kayang gumawa nang bagay na ikakapamahamak ko kaya tiwala na kaagad ako sa'yo," tugon niya sa binata.

"You really don't know me," tugon nito.

"Let me know everything about you," tugon niya.

Nanlaki ang mga mata ni Theos na mukhang nagulat sa sinabi niya. Hinaplos niya ulit ang dibdib ni Theos at pinababa pa hanggang sa matigas na tiyan nito. May dumaang pagnanasa sa mga mata ni Theos pero pumikit ito at mukhang pinahupa ang init na nararamdaman kaya nang dumilat ay wala na iyon sa mga mata.

" I like you, Theos, and I want to spend a night with you," nang-aakit niyang sabi sa binata.

Narinig niya lang na bumuntonghininga si Theos at muling tinitigan siya.

"You're drunk," sabi nito.

"No. I'm just tipsy," tugon niya.

Pero biglang umikot ang paningin niya kaya napahawak siya sa ulo. Mukhang tama nga si Theos, lasing na nga siya kaya umiikot na ang paningin niya.

"God! Mukhang naparami na nga ang nainom ko," hindi napigilan sabi niya.

"I told you. Do you want to rest?" tanong ni Theos sa kaniya at hinaplos nang marahan ang mukha niya. " I will take you to the place where you can rest," dagdag nito.

Napangiti siya. "You want me alone?" Xymonette pressed his lips to Theos lips.

Ang lambot ng labi ni Theos at nag-iinit siya lalo dahil sa ginawa niya. Alam niyang kahit ito ay nakakadama ng pag-iinit at nararamdaman niya sa nagpipigil na paghinga nito.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon