Chapter 40

259 6 0
                                    

NAGING mapayapa ang pagtulog ni Theos subalit nagising siya nang madaling-araw nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ina at mabilis na kinuha iyon saka lumabas ng kwarto upang hindi maabala ang nahihimbing na asawa.

"Anak, kumusta ka na? Sinabi ni Cassius sa akin ang lahat nang nangyari sa inyo sa Ospital at ang sabi niya ay dahil iyon sa kinabibilangan mong grupo kaya kayo napapasok sa gulo ng asawa mo," puno ng pag-aalalang salubong ng ina sa kaniya.

Marahas na napabuntonghininga si Theos. Sinabi na ng kapatid niya ang lahat sa ina at wala na siyang maitatago pa mula rito.

"Sinabi rin ba ni Cassius na trinaydor niya ako! Na ang pinakapinuno ng grupo na kinabibilangan niya ang nagpapapatay sa akin?" pigil ang galit na tanong niya sa ina.

"Hindi magagawa iyon sa'yo ng Alpha, anak. Hindi ka nila basta ipapapatay," tugon ng ina niya.

Nanlaki ang mga mata ni Theos sa tinugon ng ina at parang kahit ang ina ay kilalang-kilala ang Alpha.

"Kilala mo ang Alpha, Ma?" hindi makapaniwalang tanong ni Theos sa ina. "Mama, nasasabi mo iyan—"

"Isa rin ako sa kasapi ng Alpha and Omega sa 3RD generation at kaya nakapasok sa pagiging Omega ang kapatid mo—"

"F*ck!" gigil na sigaw ni Theos.

Isa ring Omega ang Nanay niya, ang alipin at tapat na tagasunod ng Alpha na iyon na kalaban nila. Hindi makapaniwala si Theos na dalawa sa kapilya niya ay kasapi ng kalaban nilang grupo na hindi niya dapat pagkatiwalaan.

"Theos, makinig ka sa akin, anak, hindi basta papatay ang Alpha—"

"Pero bakit ginagawa niya sa akin ito, Mama? Bakit niya ako pinagtangkaan patayin kagabi kasama ang asawa ko!" galit na sigaw niya sa ina. "Kasapi kayo ng grupong iyon, Mama, ibig sabihin kagaya mo lang si Cassius na trinaydor ako at gusto mo rin kaming mamatay ni Xymonette!" bintang niya sa ina.

"Hindi, anak!" mabilis na tugon ni Mama sa kaniya. "Kung hindi ka sana inihiwalay sa akin ng Papa mo ay hindi ka mapapasok sa grupong iyon at mapapabuti ka sana—"

"Sa tingin mo hindi ba ako napabuti? Sa tingin mo masama akong tao, Mama?" masama ang loob na tanong niya sa ina.

"Alam mo naman kung anong ilegalidad na mayroon kayo na sinusugpo ng Alpha and Omega! Hindi kalaban ang Alpha dahil ang tanging gusto lang niya ay mapabuti ang lahat ng tao—"

"Hindi mababago ang isip at paniniwala ko sa Alpha na iyon at hindi pa rin mababago ang isip ko na tapusin ang buhay ng pinuno niyo!" galit na tugon niya sa ina.

"Anak, maaari kang mapahamak lalo sa ginagawa mo—"

"Hindi mo ako matatakot, Mama. Simula ngayon ituring niyo na lang akong patay dahil hinding-hindi ko iiwan ang grupong kinasasapian ko!" matigas na tugon niya saka pinutol ang tawag.

Napakahawak si Theos sa dibdib niya at hindi mapigilan ang mga luhang tumulo sa mga mata. Hindi niya akalain na sariling kapatid at ina niya ang magtatraydor sa kaniya na kasapi rin pala ng grupong kalaban nila.

---

NAGISING si Xymonette na wala sa tabi niya si Theos kaya mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Theos na nasa sala at may babaeng kausap ito at kilala niya iyon, si Lea na babaeng sumundo sa kanila kagabi at isa sa tauhan ni Theos.

Dumako ang paningin ni Theos sa kaniya saka ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito at kita niya na napakalungkot ng mga emosyon ng mata nito.

Lumapit sa mga nag-uusap at bumati ng magandang umaga kay Theos ganoon din kay Lea na nakangiting bumati rin sa kaniya.

Love is MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon