NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Bumangon na ako at naghilamos, pagkatapos ay bumaba na ako para nagluto ng almusal.
Mabilis ang kilos ko habang gumagayak dahil ayoko ng maipit sa traffic. Ang alam ko may ginagawa na namang kalsada kaya aabutin na naman yon ng kalahating taon o lagpas pa.
Handa na para kumain, susubo pa lang ako ng magring sa table yung phone ko, mabilis akong napairap bago sagutin ang tawag.
" Hello?" may halong inis sa boses kong sabi, ayon na yon e susubo na.
Lagi na lang bang may kokontra?[" Galit ka?!"] Sigaw ng nasa kabilang linya kaya tingnan ko sa screen kung sino ang caller para makasiguro ako. Patay!
" Ah hindi, napalakas lang " Ako na nga yung inosente dito ako pa napagalitan.
[" Sinasabi ko sayo Cee, baka kung ano ano natututunan mo sa school mo"] parangal pa nya.
" Dad, are you saying something important than that?"
[" Pumunta ka na rito"] napasimangot naman ako.
" Dad mamaya na kay—"
[" Ngayon na, malapit ng pumunta yung kakausapin ko."]
" Chill lang dad susubo pa nga lang ako e, tsaka kayo naman pala ang ka kausap baka pwedeng pagkatapos nyo na lang mag usap ako pumunta. Syempre baka ayaw nyo ng
istorbo. " Sinimulan ko ng kumain dahil gutom na talaga ako. Demanding talaga nito e.[" Aba ako ba'y inuutusan mo? Pumunta ka na rito pagkatapos mong kumain dahil kakausapin natin syang dalawa. "] matigas na pagkakasabi niya.
" Yes dad " sabi ko bago binaba ang linya.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at naligo na. Nag suot lang ako ng simple, yung babagay sa pagiging baduy ko. Psh
Pagkatapos kong gumayak umalis na ako ng bahay, mahirap na baka magalit pa yon.
Sumakay ako sa jeep at nagpahatid ulit sa malayo sa pupuntahan ko kaya maglalakad ulit ako.
Pagkarating ko ron ay dumeretso na agad ako akyat sa office ni dad at kumatok. Pagkapasok ko ay si dad lang ang nadatnan ko don, oh see nauna parin ako sa feeling VIP na bisita niya.
" Hey dad " bati ko at humarap sya saakin na inip na inip.
" Ano pa bang ginawa mo at ngayon ka lang dumating? " Namumula na siya ng sabihin nya yon. Sa galit o sa init? Ay naka aircon naman dito.
" Nauna naman ako sa bisita mo eh"
" Anong naunang sinasa—" hindi na tapos ni dad ang sasabihin ng may pumasok.
" Mr— ay may kausap ho pala kayo." nagkatinginan kami ng pumasok na yon mismo. Hindi pamilyar saakin ang mukha nya.
" Kilala mo na ba si Mr. Monte? "
Hindi ko sya kilala ni hindi ko nga alam na ayon pala ang name nya.
Psh, ngayon ko nga lang din sya nakita." Hindi ko sya kilala " diretso kong sabi.
" Ow, I thought you two are friends"
Psh, kulit! Hindi ko nga kilala tapos friends?
" O sige, let's start Mr. Monte this is Cee " pagpapakilala nya saakin.
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
Любовные романыUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...