TILA may sariling isip ang katawan ko kase kahit na gusto ko ng umalis sa pwesto ko ngayon ay hindi ako makagalaw.
Tanging kami lang ang nandito at tahimik habang nakatingin sa isa't isa. Ilang sandali pa ay umiwas na siya ng tingin kaya mabilis akong natauhan at bumangon.
Tumayo na rin naman siya agad at nagpagpag, muli akong lumapit sa kanya na nakapagpatigil sa ginagawa niya ngayon. Madiin kong inapakan yung paa niya.
" A-raay!!! " umatras din naman ako agad palayo sa kanya.
" Siguro naman tapos na ang ensayo natin, babalik na muna ako sa kwarto ko. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa." pagkasabi ko non ay lumabas na ako. Napapikit na lang ako ng makapasok na ako sa kwarto.
Hay naku! Isang hapong nakakabaliw! Masisiraan yata ako ng ulo kapag kasama ko sya. Balak kong gawin na lang busy sana ang sarili ko na may maalala ako, naiwan ko ron yung phone ko!
Tumayo ako at pumunta sa may pinto pagbukas ko ay biglang may kamay na tumama sa noo ko.
" Ouch!" daing ko at napahawak sa noo ko, ang mapanakit niya talaga.
" Sorry hindi ko sinasadya kase kakatok sana ako sa may pinto, balak ko lang sana ibigay sayo to " kinatok nya lang naman yung noo ko na dapat sa pinto nya gagawin.
" Ano akala mo sa noo ko, pinto?! " inis kong sabi tsaka ko kinuha ang phone ko na nasa kamay nya at sinara ng malakas ang pinto ko.
Nung ako lang mag isa rito ang tahimik ng bahay pero simula nang dumating siya. Oo ako naman talaga yung maingay dito pero masyado talaga syang mapanakit.
Hinimas himas ko pa ang noo ko na kinatok nya, magkakabukol pa ata ako nito.
Pumunta ako sa salamin ko para tignan ang noo ko, namumula na. Napapikit ako at tsaka inis ulit na tiningnan ang noo ko. Aiyst, wala siyang karapatang gawin to sa mukha ko.
Lumabas ako ng kwarto para lagyan ng cold compress yung tutubong bukol. Pagkababa ko ay diretso ako sa ref at kumuha ng ice cube nilagay ko na rin yon sa ice bag.
Hinanap naman ng paningin ko yung aso, saan naman kaya naglalaro yon. Wala naman talaga akong balak mag-alaga ng aso ang kaso gusto ni nay para na rin daw may bantay ako rito pero siya kaya ang binabantayan ko.
Lumabas ako sa garden para silipin siya pero hindi 'siya' ang nakita ko kundi sila.
Napakunot naman ang noo ko ng makita ko na nakikipaglaro talaga siya. Nang makita ako nung aso ay agad siyang pumunta saakin at inilingkis ang ulo nya sa binti ko. Oo, wala siyang pangalan.
" ayos na ba yang noo mo?"
" Ikaw nga ang may kasalanan nito, baka sinadya mong tsaka kumatok nung makita mong binuksan ko yung pinto. " lumapit ako sa kaniya at talagang tiningnan sjya ng masama.
" Yung totoo ano ka ba talaga?" tanong ko.
" Tao " simple niyang sagot na inis agad ang dala saakin. Nanginers!
" Hindi mo ko madadaan daan sa pakikipagpilosopohan mo Monte. Alam mo ikaw nakakailan ka na saakin, if alam kong ganyan ang papalit kay Jhon dapat hindi ko na sjya pinapalitan pa kay dad."
" But I'm now on his position Miss Cassy, kung simula pa lang naisip mo na dapat ang mangyayari edi sana wala ako rito. Bakit hindi ba ako masayang kasama? " bakas pa sa tono ng pananalita niya na niloloko niya pa ako. Psh
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
RomanceUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...