Chapter 18

140 3 0
                                    

" I'm going to group you into 3 groups since hindi naman kayo marami. Find a group for yourself you can handle
it " pagkasabi non ng teacher namin ay tumayo na ang iba kong kablock mates at humanap ng ka groupmates. Habang ako tamad na tamad na nakaupo rito sa chair ko.


" Hindi  ba tayo hahanap ng group mates? " nagtatakang tanong ni ami na nakatayo na ngayon sa gilid ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong halos lahat sila ay naka grupo na.


" Humanap ka na ng ka group mo "


" Paano ka? Ano yon lonely kana naman? "



Napabuntong hininga naman ako at tumayo, nagtungo ako sa table ng teacher namin sa harap.


" Can I do this individual po?" nag angat naman ng tingin ang teacher ko mula sa pag rerecord niya.



" Mmm.....but this is a group activity, you need to be collaborate here so if you want to add a group kindly find a members. "


Tumango na lang ako at bumalik sa table ko. Nakita kong nag aantay parin si ami sa table ko.


" Ano na? Hanap na tayo ng group "


Umupo na ako ulit sa upuan ko at kinuha ang note and pen ko don.


" I adding a group so you'll be my group mate "


" Ay taray, teacher lang ang datingan?" hinila na ni ami yung chair niya at lumapit saakin. Ngayon din kase ang pasahan nito kaya gagawin din talaga namin ngayon.


We need to draw a human body then the possibility what can take medicine for pain in foot, back, arm or whatever in the human body parts.


Aiyst! I feel like an high-school here. Ang masaklap pa wala naman akong bond paper.


" Meron ako!" pagkasabi non ni ami ay agad siyang umikot paharap sa likod niya at binulatlat yung bag niya.
" Para naman kahit bond paper lang ang akin alam kong may naiambag ako. Hehe!"



Buti naman alam niyang wala siyang maiaambag kung hindi niya ako tutulungan. Hinalungkat niya yon, wala naman kayang laman yung bag niya. Ano naman hinahalungkat nito?


Tatawa tawa siyang lumingon ulit saakin." Hehe, nasa locker pala yung bond paper ko " napailing na lang ako sa sinabi niya.



Kusa naman na siyang tumayo at nagpaalam kay Ms. Burry na may kukunin lang kami sa locker binigyan niya naman kami ng ilang minuto para lumabas.



Habang naglalakad sa hallway ay diretso lang ang tingin ko sa dinadaanan namin. " Cass "


Tinaas ko ang isa kong kilay na tinatanong kung ano yon.


" Hindi ko pala sure kung may bond paper ako ro'n. Pero tingnan na lang natin "


Aiyst! Ang lakas ng loob nitong mag volunteer sa bond paper hindi rin naman pala sigurado.


Wala ngayon kaming nakakasalubong dahil ang buong section sa building na to ay nagka klase.


Pagkadating namin sa mismong locker ni ami ay kinapa na niya ang bulsa niya pero pansin kong balisa siya habang ginagawa yon.


" Gaano bang kalalim yang bulsa mo at kanina mo pa kinakapa?" Ano siya si doraemon at susi na lang ng locker hindi pa makuha?


" Gagi! Nasa bag ko pa ata yung susi"


Chasing Her, Season 1 (United Series#1) Where stories live. Discover now