Chapter 5

296 5 0
                                    

REVIEW doon, review dito. Nakaupo ako sa kama ko habang nakapalibot saakin ang mga notes ko, halos lahat ng subject namin ay magkakaroon kami ng long quiz and exams naman sa susunod na araw.

Nagbabasa basa ako ng biglang may kumatok sa pinto kaya naman nilapag ko muna yung note na hawak ko at tamad na tamad na binuksan ang pinto.

 
" Ano kailangan mo?" seryoso kong tanong.

" This, and good luck" pagkasabi niya non ay umalis na rin agad siya sa harap ng pinto. Weird niya rin talaga e.

Pumasok na ako sa loob at tinignan ang laman ng tray na binigay niya. Kusa namang kumunot ang noo ko.

Baked brownies and juice, yung brownies yung nabibili ng pwede ng kainin. Nagtuloy tuloy na lang ako sa pagbabasa habang kumakain. Hindi ko na namalayan ang oras at inabot na pala ako ng madaling araw. Aish! Hindi ko pa nare review lahat ng subject e, nagbasa basa pa ako.

Kailangan kong matapos toh, kung ayaw ko talagang bumagsak. Inabutan na ako ng liwanag tsaka lang ako natapos. Isama mo pa yung antok pa ako.

Pinilit kong tumayo sa kama kahit na yung katawan ko ay gusto ng mahiga at matulog kaso hindi naman ako pwedeng matulog kase naman baka paggising ko anong oras na, sa room na lang ako matutulog.

Hindi naman talaga mahirap yung mga lesson na takes namin nitong linggong toh kaso lang I want to be sure, ngayon lang naman to pagkatapos naman nito pwede ko na ulit gawin yung mga gusto kong gawin.

Pero ngayon tiis muna, lalo na at graduating na kami ngayon kaya naman talagang tambak kami sa mga gawain sa school. Pagkatapos kong mag ayos ay agad ko namang ginayak ang mga gamit ko.

Pagkapasok ko sa gate ng school ay dumeretso na agad ako sa room. Doon na lang muna ako matutulog. Pero tinawag ako ni suri. Well, I'm not sure about that name.

" Cassy mamaya daw pumunta ka hah, you need to performed before they list your name to the group" tumango na lang ako at pumasok na ng tuluyan sa room.

Wala pa rito si ami, naunahan ko ata yon ngayon? Umupo na ako sa upuan ko at yumuko na muna.

" Ms. Villafilur, who allowed you to sleep on my class!" napaangat ako ng tingin ng mag salita. Psh, sigaw yon at ang sakit sa tenga. Bumungad sa paningin ko ang teacher namin na galit na galit, wala man lang gumising saakin. Nakakainis naman bakit hindi man lang ako gini—

Paglingon ko sa gilid ay wala akong ami na nakita ron, ano bang nangyari ron? Hindi naman umaabsent yon ng walang dahilan. Umayos na lang ako ng upo at nakinig na sa klase, ngayon lang ako nasermonan.

Pagkatapos ng klase ay hinanap ko agad si ami, nag iikot ako ngayon dito sa school kase naman e tinatawagan ko na kanina pa pero walang sumasagot nagri ring lang. Ayoko naman tawagan si tita kase baka mag alala pa yon kung pumasok talaga si ami.

Pero hindi aabsent yon lalo na at may mga activity kami at quizess.

Naglalakad ako ng may nagsalita sa tabi ko.

" Mag isa ka lang ata ngayon?"

Tinapunan ko lang ng tingin yung nasa tabi. Pakialam niya ba

Pero baka naman kase kasama ng mga kaibigan niya si ami? O ni jandee man lang?

Pero kase..ayoko nga siyang tanungin, ayoko nga rin siyang makausap e. Psh! 

" Ano.....ano kase si ami"

" Ano meron?" napakamot naman ako sa ulo ko bago magsalita.

Chasing Her, Season 1 (United Series#1) Where stories live. Discover now