Chapter 8

217 3 0
                                    


" ANO nga ba ang nangyari cee?" napayuko naman ako. Hindi ko alam! Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang natumba e!


" Kase uminom lang naman siya ng lemonade? Hindi ko alam kung ayon nga ba ang dahilan o baka una palang talaga ay may iba na siyang nararamdaman. " tumango naman siya sa sinabi ko.


" Maaring yung lemon na yon ang dahilan o may nakain pa siyang iba na hindi pwede sa kanya. " tingin ko nga rin." At allergy siya don kaya naman " natingin ako sa mahimbing na natutulog na si monte sa sofa.


" Kung may pagkain syang bawal kainin na nakain niya bakit niya pa kakainin yon kung alam niyang bawal sa kanya? " so allergy pala siya ron?


" Huwag kang mag alala maayos na ang lagay ng nobyo mo, sa susunod lang mag iingat hah. Tsaka ikaw na bata ka, alam ba yan ni Mr. Trinity?!" Hindi ko naman inaasahan ang sunod na sinabi niya na yon.


" Hindi-"


" Naku kapag nalaman to ng daddy mo malamang magagalit yon sayo! Ano ba naman kase yang pinapasok mong bata ka. " Napakamot naman ako sa ulo ko.


" Hindi naman magagalit si dad kase hindi ko rin-"


" Naku, Naku kabataan nga naman! Paano na ang dad mo nyan kapag nalaman niya yan?! " sermon niya pa saakin.


" Sinasabi ko na nga na-"


" Wag ka ring mag alala dahil sige hindi ko sasabihin yang ginagawa mo "

" Makinig ka muna-"


" Basta ito tatandaan mo cee kapag may ginawa kang mali hah! "


Ginulo ko na lang ang buhok ko sa inis, pa tatapusin niya ba ako oh ano.


" Wala naman kase akong ginagawa-"


" Huwag ng makulit hindi ko na-"



" KUYA VON! PWEDE BANG MAKINIG KA MUNA HAH! KASE UNA SA LAHAT HINDI KO BOYFRIEND YAN AT PANGALAWA ALAM NI DAD TOH KAYA NAMAN WALA RIN AKONG GINAGAWANG MALI! OKAY BA NAGKAKAINTINDIHAN TAYO KUYA VON?! AT PWEDE BANG WAG MO KONG SINISIGAWAN? KAYA HINDI KA NAGKAKA GIRLFRIEND KASE PARA KANG MATANDA. " Natahimik naman siya ng marinig ang mga sinabi ko.


" Pasaway ka talagang bata ka! Bakit hindi mo agad sinabi? Tsaka sinong nagsabi sayong wala akong girlfriend? " Ang kulit kulit! At bakit may girlfriend na ba ang isang tulad niya?


" Paano ko ba naman masasabi e ayaw mo nga akong patapusin diba " Huminga ng malalim si kuya von at lumapit saakin. Ganyan talaga kaming mag usap minsan tinatawag ko siya sa surname nya kase naman sabi niya yon, para raw mas lalong magmukhang professional baliw noh? Sinabi niyo pa.


" Hehe, hindi ka parin talaga nagbabago baby Cee. Short tempered ka pa rin "


Von Velazques naka asign na doctor namin, ang alam ko 32 years old na sya pero kahit girlfriend wala pa. Tatanda na atang binata yan, baka naman balak mag girlfriend pag 40 tapos kapag 50 tsaka mag aasawa. Psh! " Psh, stop calling me baby"


" Una na ako Cee basta painom mo to paggising niya at kailangan niya muna ng pahinga."


Ginulo muna niya yung buhok ko bago nagmadaling lumabas ng bahay. Hilig talagang mang gulo eh.


Inayos ko muna ang buhok ko bago ko kinuha ang phone kong nag riring.


Pagkasagot ko ay parang gusto ko na ulit ibaba yung tawag.


Chasing Her, Season 1 (United Series#1) Where stories live. Discover now