AMINA
KANINA pa ako rito sa may sala kase naman, bakit pa dumating dating yung pinsan kong abnormal tapos dito rin muna siya titira pansamantala.
At hindi pa ron nagtatapos dahil bukod sa dito siya nakatira sa school kung saan ako nag aaral ay lilipat din siya.
" Hoy! Mimi kanina pa ako sumisigaw bakit hindi ka pumupunta?" sabi niya pa habang nakapamewang.
" Ano ba kase yon?" Inis kong tanong paano ba naman ginagawa akong yaya niya, kung hindi lang talaga ako kinausap ni mommy hindi ko sya pakikisamahan ng tulad nito.
" Kuha mo ko ng tubig " sabi niya at lumundag sa may sofa.
" Dumaan ka na sa kusina hindi ka pa kumuha ng tubig?"
" Ano?"
" Wala. Kukuha na!" sigaw ko bago padabog na pumunta sa kusina, pagka kuha ko ng tubig ay inabot ko yon sa kanya.
" Oh bakit ganyan mukha mo? " nang iinis niya pang tanong.
I smiled sarcastically " Ayan ba? Ayos na? Hah?! "
" Ayos na " sagot niya at nanood ng tv.
" Bakit ka ba kase nandito hah?! Pwede bang bumalik ka na lang sa inyo?" sabi ko at umupo na rin sa couch.
" Pinapaalis mo na ako? Napaka sweet namang pinsan " tsaka niya ginulo yung buhok ko kaya hinampas ko yung kamay niya.
" Tumigil ka nga!"
Tinutok ko na lang ang paningin ko sa tv pero dahil nga sa abnormal yung pinsan ko ay umarangkada na naman siya.
" Ngayon ko lang nalaman na may panget pala akong pinsan dito, ang ganda ng lahi natin tapos sisirain mo?" panunura niya.
" Sino panget? Ako?! Mahiya ka nga sa sinasabi mo " inirapan ko siya ng bongang bonga at nag flip pa ng hair para malaman niya. Haha
" Ang bastos naman nito! Ano kala mo sa buhok mo? "
" Ang dumi ng kamay mo! "
Binelatan ko siya at umakyat na sa taas. Kainis bakit ba kase pumayag payag pa si mommy na rito patirahin yung abnormal na yon e, wala naman maaambag dito yon! Gagawin lang ako nong katulong lalo na at iisa lang yung school namin.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nag dial. Ilang ring ay sinagot niya na yung tawag.
" Huhu, busy ka ba samahan mo naman ako oh"
[" Ano bang meron?"]
" Wala naman, may problema lang talaga ako. Malaking problema kailangan ko lang ng kasama please."
[" Huh?"]
" Cass naman e! Sige na I need you now"
[" Siguraduhin mo lang na importante yan Amina hah! Kapag hindi lagot ka saakin"]
" Sige see you, pupuntahan ki—"
[" Ako na lang pupunta dyan"]
Putol niya saakin kaya naman umoo na lang ako at tumakbo na sa cr para maligo. Nagbihis na rin ako, nag dress lang ako at nag flat.
Kinuha ko na yung Shoulder bag ko at bumaba na. Hanggang sa maka punta ako ng kusina ay hindi ko siya nakasalubong. Mabuti na yong manahimik sya sa isang lugar para namang maganda lagi ang mood ko.
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
RomanceUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...