" You have choice to group yourself with your classmates you want to group with. Each group consisting 5 members "
Dahil sa dalawa na kami ni ami, hinintay na lang namin silang matapos at yung natirang tatlo ay naging kagrupo namin.
" You have to present the series or a parallel connection. That will be your finals to my subject "
Nang nagpadismiss na siya ay nanatili ang mga kaklase ko para mag usap-usap tungkol sa gagawin.
" By weekends magkita-kita na lang tayo para pag usapan yung mga materials na kakailanganin pati na rin yung magiging ambagan " panimula ni ami na sinang ayunan naman nila.
Nauna kaming umuwi dahil yung iba mas piniling pag usapan na yon sa room.
I went straightly to the dance studio kase may practice pa kami. Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumunta kung nasaan sila.
" To the left! To the right! Ikot! Yeah "
Naiinis ako kanina pa. Yung sumisigaw ba naman e akala mo naman nagsu zumba kami rito.
" Okay! from the top!"
Inulit niya ulit yung music kaya naman nagsimula ulit kami.
" Hoy cappy, saliwa ka!"
Copy na saliwa pa
Lumipas pa ang ilang sandali at buti naman pinag pahinga na kami. Pawis na pawis akong umupo sa sahig at sumandal sa pader.
Kinuha ko naman yung tubig na nasa tabi ko. Meron kaseng mga bottled water na nakalagay dito for us.
" Bukas walang male late hah " sabi ng dance lead namin habang pumapalakpak. Pumasok na yung iba sa may washing room, pinunasan ko na lang muna ang likod ko para hindi ako matuyuan ng pawis.
Tumayo na ako at pumasok na rin sa washing room. Saglit lang akong naglinis ng katawan at lumabas na rin. Baka kase naiinip na yung babaeng yon ngayon don.
Gusto pa kase akong hintayin, ano naman purpose non hindi rin naman sya makakapanood. Psh!
Pagkalabas ko sa may room ng practice ay nakita ko ron si ami habang kasama si aje.
Sinalubong naman ako ni aje at kinuha ang dala ko, aish! Anong ginagawa niya?
Hindi ko naman pinabitbit ah." Sabay ka na samin Cass " sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila papuntang parking lot pero hindi pa kami tuluyang nakaka punta ron ay nag ring ang phone ko.
Taka kong kinuha yon sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag, hindi ako pamilyar sa number pero pinindot ko pa rin ang answer button.
Hindi ako nagsalita hanggang hindi nagsasalita ang nasa kabilang linya.
[" Nasaan ka na?"]
Unti-unti kong na kilala kung kaninong number to. Hindi ko naman kase sinave sa contacts ko yung number niya. Lumayo naman ako ng konti sa dalawa.
" Nasa school parin natural "
[" Pumunta ka na rito ng sabay na tayong umuwi. Baka hanapin na tayo ni nay. "]
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
RomanceUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...