TUMAYO ako at lumabas muna ng kusina, saglit akong umakyat sa kwarto ko para kunin yung laptop ko, I'm now feel the boredom dahil natapos ko na ang problema ko sa exams dahil nakapag review na ako.
Pagkakuha ko ay lumabas ulit ako ng kwarto at pumunta sa balcony. Kinontact ko si ami pero hindi nag tagal ay sinagot din niya.
[" Wow! For the first time in the history Cass, ikaw din ang nagsimula ng video call"] sabi niya at dumapa sa kama niya, tong babae talaga na to
" I'm just bored "
Napasimangot naman siya. [" So kaya mo lang ako tinawagan dahil bored ka? Kala ko naman na miss mo na ako "] kunyaring pagtatampo niya pa. Wah effect na saakin yon. Magaling talaga siyang aarte pero dahil kilala ko na siya hindi na ako tinatalaban ng acting skills niya.
" Yeah, nakuha mo " natawa na lang ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko kase kung katabi niya ako ngayon malamang tiniris na ako non sa inis. Pero syempre hindi niya magagawa saakin yon, baka palapit palang siya saakin ay natiris ko na siya.
[" Ang sweet mo talaga Cass!! I appreciate it"] tapos nag make face pa.
" Stop doing that ami, you look like a duck " I said while controling my laugh. Paano ba naman kase mahilig laging ngumuso.
[" Ewan ko sayo! Tumawag ka ba para inisin lang ako?"] parang maiiyak na siya ng sinabi niya yon.
" Joke lang naman, syempre kung bored lang talaga ako mas lalo kong hindi pipiliin na tawagan ka"
[" So, na miss mo nga ako? Oh e bakit mo naman ako hindi tatawagan kung bored ka?"]
Diba hindi nauubusan ng sasabihin?
" Kase syempre lalo lang akong mabo bored"
[" Cass!"]
Sigaw niya sa kabilang linya habang yung reaksyon ay hindi mo malaman.
Nag kwentuhan pa kami hanggang sa hindi ko na namalayan yung oras at inabutan na pala kami ng dilim. May advance din naman yung bibig niya, hindi ko na nga nagawang pansinin ang oras dahil don.
[" Cass kakain na kami. Ikaw ba kumain na?"] tanong ni ami na bumabangon na sa kama niya.
Oo nga pala, nagluto na kaya yon?
" Ahh, oo kakain pa lang din" sagot ko kaya tumango siya.
[" Okay eat well!! Bye" ] nagpaalam na din ako at pinatay na ang laptop ko. Bumaba muna ako sa kusina para tingnan kung ano ang makakakain doon. Dumeretso ako sa may ref para maghanap ng makakain. Nang may marinig akong naglalakad kaya nilingon ko yon at nakita ko siyang ka papasok lang din ng kusina. Hindi ko alam kung maghahanap lang din siya ng makakain.
Nilingon niya rin naman ako ng napansin niya ako, napakunot naman ako ng noo. Tinalikuran ko na lang siya at humarap ulit sa may ref para maghanap ng maluluto.
Kumuha na lang ako ng baboy at nilabas yon sa ref pero pag harap ko ay nadatnan ko parin siya sa kinatatayuan niya kanina. Kaya nilagay ko na lang sa may counter yung lulutuin ko.
Nagsisimula na akong magluto pero nandito parin siya, magluluto din ata ito naghihiwa kase ng sibuyas. Pero bakit ko ba tinitingnan yung ginagawa niya.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa niluluto ko, pinapalambot ko pa kase yung baboy nanigas kase sa freezer.
Natapos ko na yung niluluto ko ng wala paring nagsasalita ni isa saamin. Nilipat ko na sa bowl yung sinigang na niluto ko at dinala na sa dining. Makakain na nga lang.
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
RomanceUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...