Chapter 6

265 7 0
                                    

" DO you all wanna know who bit the perfect score?" halata ng kinakabahan yung iba kase naman sasabihin na yung naka perfect score sa may long quiz at sya ding mae exempted sa exam.

" Ms. Villafilur " napaangat naman ako ng tingin ng tawagin ang pangalan ko.  " May naghahanap sayo " napapitik ako sa hangin. Akala ko naman ako na e.

Tumayo naman ako at sinilip kung sino ang nilalang na yon. Nakatingin lang siya saakin at ganon lang din ang ginawa ko. Tumango lang siya bago tumalikod.

Huh?

Tulala akong bumalik sa upuan ko.
" Ms. Villafilur. Verry good! You got the perfect score "

Tumayo na ako at kinuha ang papel ko. Agad namang sumilip si ami sa papel ko.

" Wow! Congrats Cass" inagaw niya pa ang papel ko at pinag tabi ang papel namin.

" Ano ba yang ginagawa mo?" nagtataka kong tanong isa isa niya kaseng chine check yung sagot.

" Chine check ko lang Cass kase naman baka mamaya nagkamali lang pala ng check si ma'am sa papel ko. Baka parehas talaga tayong perfect "

Sinilip ko yung ginagawa niya ulit.
" Ami ilang tao ang nag check niyan bago ibalik saatin yan noh " binalik na niya ulit yung papel ko sa table ko.

" Malay mo naman lahat ng nagcheck nito nagkamali, nag babakasakali lang naman" nakanguso niya pang sabi. Umiling na lang ako at umayos na ng upo.

" Guys, sino yung may interest sa glee club? If you want to audition, glee club is now open" sigaw ng class president namin.

  
" And ow sabi pala ni Mr. Lopez na may p.e tayo ngayon outdoor. Kaya meron tayong 15 mins. para mag palit" pagkasabi niya non ay nagtayuan na ang mga kaklase namin at lumabas na ng room.

" Tara na, palit na rin tayo" tumayo na ako at sabay kaming lumabas ni ami sa pinto.

Pagkarating namin sa dressing room ay mabilis lang kaming nagpalit at pumunta na rin agad sa gym.





NANG pumasok kami sa gym ay meron ding ibang section dito, nagp- p.e din sila. Umupo muna kami at hinintay na makarating din dito si Mr. Lopez.

 
Matapos ang ilang sandali ay dumating na rin si sir at pinalapit na kami sa kanya.

" We're playing volleyball, of course separate the boys and girls group." binigay na ni sir yung bola na gagamitin. Sumali na ako sa first game para matapos agad ako.

Nagsimula ang laro, si ami ang server ngayon. Habang nasa kabila pa ang bola. Nang tinira iyon ng kabila ay sinalo agad yon ni katty kaya bumalik sa kabila. Nagtuloy tuloy ang laro at nag eenjoy naman ako. Meron na ring mga ibang estudyanteng naglalaro.


Nang ako na ang titira ay napatid ako kaya naman pumaling yung tira ko, natukod ko naman yung kamay ko kaya hindi natuloy ang pagsubsob ko sa sahig,  nang narinig kong may nagsigawan ay nag angat ako ng tingin at nakita kong may pinagkakaguluhan sila.

Lumapit agad saakin si ami, " ayos ka lang ba Cass?" tinulungan niya akong makabangon pero yung tingin ko ay nandoon sa may pinagkakaguluhan.
" Tara ron Cass, may natamaan ka " nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

" May tinamaan?"

Tumango naman siya. " okay lang yon Cass hindi mo naman sinasadya" pumunta na kami doon at nakisiksik sa mga nagkakagulo, nakita naming may babaeng nakahiga sa sahig habang walang malay.

Chasing Her, Season 1 (United Series#1) Where stories live. Discover now