" GANYAN ba ako sa tingin mong mapagkakatiwalaan?" ulit ko sa tanong ko. Pero parang hindi niya rin naman maintindihan yong tanong ko.
" Huh?" naguguluhan niyang tanong.
" We're not close, we're not even friends. But why are you telling that to me?"
" Dahil nakikita kong mapagkakatiwalaan ka " natigilan ako sa sagot niya. " Yap, we're not that close and nor friends yet but atleast I know that you're a trustworthy "
Okay?
" So if you want. Friends? " inilahad niya yung kamay niya kaya tiningnan ko yon. Nakangiti siyang inaabangan na sumagot ako.
Friends? Totoo bang nadadagdagan na sila? Okay naman na si ami ah, psh!
Hindi ko alam kung bakit ko kinuha yung kamay niya. At tumango, siguro dahil sa maayos naman niyang sinabi yon.
" Then we're friends now " nakangiti niyang sabi. Nag ring ang phone niya kaya kinuha niya yon at may binasa. " Ah kailangan ko ng umalis" paalam niya bilang sagot ay tumango naman ako, umalis na siya pero hindi parin nagsi sink in sa utak ko hanggang nagyon yung sinabi niya kanina.
Hindi naman ako friendly pero bakit ako yung nilalapitan nila? Ang expect ko dapat isa ako sa lalayuan nila diba kase naman isang hamak na ordinaryong tao lang ako.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating si ami. Tumatakbo pa siya ng bumalik.
" Sorry na, hindi ko kase nahanap agad yung cr nasa dulo pa pala yon"
Umupo muna siya at nagpahinga. Nilibot niya ang paningin niya tila may hinahanap." Bilhan na lang kita ng ice cream sandali lang" umalis siya agad para bumili ng ice cream.
Ano ba talaga gagawin namin dito? Kakain lang ng ice cream talagang nagyaya pa rito e. May ice cream naman sa cafeteria.
Pagkabalik niya ay ibinigay na niya yung akin kaya kinain ko na lang yon kase nagme melt na rin naman.
" Kase Cass kaya kita sinama rito para manood ng sunset " sabi niya habang nilalantakan na yung hawak niyang ice cream.
Inubos na namin yung ice cream at hindi pa siya nakontento sa kinain niya dahil bumili ulit siya.
Nang magsa sunset na ay lumipat kami sa may magandang spot, umupo kami sa ilalim ng puno. Ang sarap sa pakiramdam dahil isama mo pa na malamig ang hangin.
" Picturan ko lang " sabi ni ami habang pinipikturan ang unti unting pagbaba ng araw. Ang ganda, ngayon lang ako nakapanood ng pag baba ng araw.
" Sa susunod talaga si Jandee na kasama ko, kaso wala ka pa rin palang lovelife " biro niya. Habang pinipikit pikit pa ang mga mata, sarap pitikin e.
" Wag mo kong isipin kaya ko sarili " sinakyan ko na lang ang trip niya kase ganyan naman dapat para magkasundo kayo. Kahit mukhang hindi naman kayo magkakasundo. Kung sa lovelife walang problema yon, kase kung nakalaan na siya para sayo kahit anong mangyari magiging kayo hanggang huli kaya kong maghintay. Psh
Tumayo na kami, kailangan ko na ring umuwi dahil baka isumbong pako nung lalaking yon. Mahirap ng matuluyan na matangalan ng eardrums kapag nasigawan ka na naman sa phone diba?
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay bababa na sana ako ng pigilan ako ni ami. Kaya napalingon ulit ako sa kanya.
" Hindi mo muna ba ako papapasukin Cass?" tinignan ko naman siya at umiling. " Uuwi ka na diba, bakit ka pa papasok? " tanong ko pa sa kaniya.
YOU ARE READING
Chasing Her, Season 1 (United Series#1)
RomanceUnited Series #1 GENRE: LOVE, ACTION, ROMANCE, MYSTERY/ THRILLER Warning: If mystery story is not on your taste, then I think this story is not for you. Pasensya na kase I love thrill. Plot planning: February 2020 Started: December 2020 Cassy Villaf...