Chapter 12

169 4 0
                                    

" Naku bhie sinasabi ko sayo, sabay na lang tayong kumain kala jandee kaysa sa abnormal na yon " hate na hate niya talaga yung pinsan niya. Aiyst, hindi nalalayo ang mukha nilang dalawa para silang magkapatid kung titingnan.



Hindi ko pa rin naman nakikita yung pinsan niya raw, ngayon ko nga lang din narinig ang kwento nya about don e at wala rin naman akong oras para ron.



" Bakit naman? Pinsan mo kaya siya"



" Wala akong pakialam sa taong yon noh, pinag iisipan ko nga rin kung ano ang magandang ipang Black mail e."



Parang hindi niya pinsan kung makapag isip siya ng pang blackmail. Grabe talaga yung babaeng to. Aiyst.




" Ms. Gomez and Ms. Villafilur is there any problema? " nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni ami.



" Sorry Ms. Kon— ma'am " ng tumalikod muli si Konyo ay huminga ng malalim si ami.



" Sh*t! Muntik na yon ah " bulong niya. Napailing iling na lang ako, takot din naman siyang bumagsak.



" Tomorrow we have a graded recitation so it's better when you'll basa on your kopya. " pagkatapos sabihin ay pinadismissed na kami.



" Kailan kaya matututong bumuo ng english sentence yang si konyo
noh? " inayos ko na lang ang gamit ko habang siya dire diretso parin sa pagsasalita.



" Tsk! Tsk! Tsk! Dapat talaga minsan matanong ko yang si Ms. Konyo kung gusto niyang magpa english lesson saakin " agad ko naman siyang tiningnan.



" Ami wag mo ng sabihin dahil alam ko namang hindi mo rin masasabi yan harap harapan sa kaniya."



" Obvious naman na si Konyo ang favorite teacher mo, syempre sasabihin mo talaga yan saakin "



" Sinong nagsabi na favorite teacher ko yon? Hindi ako sip sip kaya honest ako " sabi ko at tuluyan na kaming lumabas ng room.




Natahimik si Ami matapos niyang mabasa yung text na natanggap niya.



" Hoy! Nangyari? "



" Naman kase Cass nag text na naman tong abnormal na to. Sunduin daw siya ano ba siya kindergarten?"




" Ikaw na lang, una na ako" akmang maglalakad na ako pero pinigilan ako agad ni ami.




" Samahan mo na ako Cass "



" Bakit mawawala ka ba rito sa school?"



" Basta "



Hinatak na niya ako kaya naman nagpahila na lang ako. Ganto na lang ba ang role ko rito?



Umakyat kami sa GAS building.



" Alam ko rito na yon e " bulong niya, hindi pa sigurado kung dito ba mismo. Hindi naman pala siya sigurado.



" Tawagan mo kaya para malaman
mo "



" Ah, right " she took her phone and started typing something. After a couple of minutes, someone answer the call.



" Hoy! Nasaan ka ba? " Bungad ni ami.



" Nandito kami sa room 209, kase naman parang tanga re. Ilang hakbang na lang naman yung building niyo sa cafeteria " pinag titingnan na kami rito sa hallway dahil sa lakas ng boses nitong kasama ko.




Chasing Her, Season 1 (United Series#1) Where stories live. Discover now