Chapter 30: Part of Me

1.4K 12 0
                                    

Chapter 30: Part of Me

Alex's POV...

Basta lang ako nag-drive nang mabilis, para makaalis sa lugar na iyon. That place used to be my favorite, but now it's the forsaken one I won't set one foot again.

I've had enough and heard enough. That bastard, he lied to me. He manipulated me and my life.

I thought he's different. I thought he's not one of those jerks out there. He just turned out to be one.

Bakit ba hindi ko naramdaman na mangyayari ang ganito? Atsaka bakit hindi ko man lang naisip na mag-ingat?

Argh! Too late for regrets. Wala namang dapat sisihin dito kung hindi ang katangahan ko sa pagtitiwala masyado sa taong halos dalawang buwan ko pa lang nakilala pero ibinigay ko na lahat-lahat.

Naramdaman ko na lang ang tila basa na dumadaloy sa mga psingi ko.

"Ayan ka na naman Alex ee.. Inuumpisahan mo na naman ang walang kwentang pag-iyak mo. Tigilan mo na yan, hindi yan makakatulong at baka mapasama pa ang baby dahil sa kadramahan mo," sermon ko sa sarili ko habang nagmamaneho.

Oo nga pala, hindi ko alam kung saan ako patungo. Gustuhin ko mang pumunta sa condo ko at doon tumuloy ay hindi maaari.

Alam kong hahanapin ako ni Andrew, at siguradong iyon ang unang pupuntahan niya. Hindi maaari. Lumalayo nga ako e. Kaya dapat ay sa lugar na di niya ako makikita.

Saan  naman kaya? Hotel na lang kaya? Shit. He has connections with hotels throughout the country, halos 75% of the hotels here ay may shares sila.

If sa mansion naman, wrong idea din. Alam kong pupunta din siya doon. At ang pinaka=-point ko dito ay ayaw ko munang malaman nina mommy at daddy ang tungkol sa estado ng relasyon namin ni Andrew.

Lalong-lalo na si Kuya Rence, siguradong magwawala yun kapag nalaman niya.

Haharapin ko din naman sila, pero hindi pa sa ngayon. Kapag handa na ako at kaya ko na silang harapin lahat.

Aayusin ko muna ito. May baby pa akong dapat alagaan sa sinpupunan ko. At kailanganng malamn ito nang parents ko.

Sana naman ay hindi na ako hanapin pa nang manlolokong iyon kundi ay siguradong mag-aalala sina mommy.

Ayaw na ayaw ko pa namang nag-aalala iyon, baka ma-stress ng husto at magkasakit pa. Argh! What will I do now?

Gulong-gulo na din ako. Hindi ko alam kung tama ba talaga itong ginawa kong pag-alis.

Pero may isang bahagi ng puso ko na nagsasabing tama lang dahil wala na akong dahilan para manatili pa sa lugar na iyon at pakisamahan ang manlolokong Andrew na iyon.

Our Song (18+ Mature)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon