Chapter 18 - The Start of Something New

484 17 9
                                    

Nung sumunod na araw ay bandang alas otso ng umaga nang ginising ng mommy nito si Tin para sabay na silang mag-agahan sa restaurant area ng hotel kasama ang newlyweds, family ni Martina at ilang relatives na doon rin nagsstay sa hotel…Pagbangon niya ay chineck niya muna ang kanyang phone at isang natatanging message ang nagpangiti rito…pagkatapos ay saka ito dumiretso sa banyo para maligo at mag-ayos..

Matapos ang kalahating oras ng paghahanda ay sumunod na si Tin sa baba kung saan naghihintay ang lahat…nakangiti nitong sinalubong ang kuya niya at ang bestfriend niya…”Good morning everyone!!” masiglang bati ni Tin sa lahat saka bineso ang mga naroon…parang ang giliw giliw nito habang kumakain sila na ipinagtaka naman bigla nina Martina at Gab…habang nagdedessert ay tumabi si Martina rito..

“Besh, tell me…Bakit sobrang saya mo naman ata today?” nagtatakang tanong nito kay Tin.

Nagulat si Tin. “Ha? What do you mean? Eh masiyahing tao naman talaga ako eh..Hahahaha!! and today is extra special because sister na talaga kita!!” natutuwang sabi ni Tin rito.

“If I know you, there is something more to those smiles than just me being your sister and everything else…spill it out, Christine!” matinik na sabi ni Martina sa kaibigan dahil hindi narin ito mapakali sa kilos ni Tin.

“Hahahaha Wala lang…like I said, I’m just extra happy today…” sagot ni Tin… “Wait lang, I’ll just get some more cake..” dagdag nito saka tumayo sa kanyang upuan.

Sinundan ng tingin ni Martina si Tin nang biglang mag ring ang cellphone ni Tin na siya namang naiwan sa lamesa…Hindi niya ito ginalaw pero sinilip kung sino ang nag text at laking gulat nito nang mabasa ang pangalan at ang unang bahagi ng mensahe…

S. Roxas - 9:05 am

            Good morning Tin! Thank you for last night. Hope you slept well…………

Agad itong napatakip sa kanyang bunganga at hinintay na bumalik si Tin sa kanyang upuan…Susubo nasanang cake si Tin nang bigla itong pinigilan ni Martina.

“Wait a minute, girl!” Sabi ni Marty rito sabay hawak sa wrist ni Tin.

Isinara ni Tin ang nakanganga niyang bunganga saka naka kunot noong tinignan si Martina. “Ano nanaman yan?” tanong nito.

“Is there something that you would want to share with me?” sabi nito saka nag pause at nagsalitang muli. “YOUR BESTFRIEND????” at pinandilatan nito ng mata si Tin.

Lalong nagtaka si Tin at hindi niya alam kung anong isasagot. “Wala naman…Eh diba kasama kita kahapon. Wedding niyo. Reception. Tapos umuwi lang ako ng bahay para kumuha ng gamit tapos nagkita tayo bago ako natulog diba?” sagot ni Tin.

Pinulot ang cellphone ni Tin, “Eh anong ibig sabihin nito?” at saka pinindot ni Martina yung home button ng iPhone nito at nagflash yung message ni Slater na ikingulat ni Tin. “Walang nangyari pero bakit nagthank you yung pinsan ko for last night? What happened last night? Tssss!!” galit na tanong ni Martina…

Hindi makasagot si Tin at nauutal ito..mabilis nitong kinuha ang iPhone niya at inilagay sa kanyang bulsa… “That was nothing. We just talked.” Simpleng sagot ni Tin saka sumubo na ng cake…

Nanlaki ang mata ni Martina saka napatili na ikinagulat ng lahat. “Eeeeeeeeeeeeeek!!!!!” tili nito.

“ssssssh!!!!” sabi ni Tin kay Martina. “Wag ka nga mag eskandalo rito..” dagdag ni Tin.

Humingi ng sorry si Martina sa mga tao saka bumulong kay Tin. “Eeee..Sorry na..kinilig lang naman ako.. hahahaha”

“Bakit ka naman kinikilig? Nag usap lang kami. Hindi kami nagkabalikan.” Tanong ni Tin rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon