Habang papalapit ang gaganaping initiation party/dance formal ay kinakabahan si Tin…Nakalagay kasi sa invitation na bring a date...Dahil napag usapan nila ni Slater na si Slater ang pipili ng ka-date nito ay dinecline na nito ang lahat ng invitations sa kanya at sinabi niyang meron ka siyang makakasama sa event…2 days bago ang event ay wala paring pinapakilala si Slater…ni hindi niya ito ma-contact at kapag pinupuntahan niya ito sa bahay nila ay lagi itong wala…nasa may sala si Tin at sinusubukan parin kontakin ang kaibigan nang abutan ito ng mommy niya…
Anya: O Christine, what’s wrong? Bakit parang kahapon ka pa nakasimangot diyan?
Tin: Eeeeee…nakakainis kasi…
Anya: Ano ba yun?
Tin: Eh diba sa isang araw na yung dance formal namin? Hanggang ngayon, wala pa rin pinapakilala si Slater…Wala akong kapartnerrrrrrrrr!!!!! (naiinis na sabi nito sa mommy niya)
Anya: Hahaha yun lang ba? If you want, I’ll talk to my amigas…you know Tita Maricel’s son, Anthony? He’s a gwapito! (kinikilig na sabi nito)
Tin: Si Anthony? Eh ang yabang kaya nun and he already has a girlfriend..at saka, he is David’s twin brother…Ni-reject ko na nga si Dave tapos si Anthony ang iinvite ko..parang ang pangit naman nun..
Anya: So, what will you do now?
Tin: Kung wala rin akong makaka-date na maayos, it would be better for me to stay home instead..
Anya: Hay naku anak..it’s a social event…don’t miss it out just because you don’t have a date…I’ll talk to your brother about it..
Tin: Ano naman ang magagawa nun?
Anya: Maybe he can talk to Slater…
Tin: Yeah right!!! (sarcastikong sagot ni Tin)
Natawa na lamang si Anya sa inasal ng anak…Samantalang sa sumunod na araw ay wala paring hinaharap si Slater sa kanya kaya nagdecide itong magpunta sa bahay ng mga Roxas para kausapin ito..Agad naman itong pinapasok ng katulong at sinabing nasa kwarto raw si Slater pero ayaw mag paistorbo…hindi nagpapigil si Tin at dire-diretsong umakyat sa kwarto ng binata…
Tin: Hoy Slat -----
Hindi na naituloy ni Tin ang sasabihin dahil pag bukas niya ng pinto, isang nakashirtless na Slater ang bumungad sa kanya at mukhang kakatapos lang nito maligo dahil basang basa pa ang katawan nito…Nanigas si Tin sa kanyang kinatatayuan at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Slater…Gayun rin si Slater na hindi alam ang gagawin…Ngunit hindi nagpapigil si Tin…pumasok ito sa loob at dinaanan si Slater pero tuloy parin sa pagsasalita..
Tin: Hoy Slater! Baka nakakalimutan mo yung usapan natin, anong petsa na! (mataray na sabi nito habang nakatalikod kay Slater)
Slater: Tintin!!!!! Labas ka muna!!! (sigaw nito)
Tin: Ayaw!!!!! We will talk right now! (Pagpupumilit nito saka nagdive sakamani Slater..) Go ahead and change!
Slater: Pwede bang lumabas ka muna para makapagbihis ako? (nahihiyang tanong nito)
Tin: Nope…I’m not even looking at you right now…so, just put on your shirt Mr. Roxas! (pagmamatigas nito)
Pilit itong hinila ni Slater para bumangon pero sa pagmamatigas nito ay na out of balance silang dalawa at natumba silang pareho sa sahig…napapaibabawan ni Tin si Slater at halos magkadikit na ang kanilang mga labi…Ilang Segundo rin silang nagkatitigan…
Slater: Rapist. (out of nowhere na nasabi ni Slater)
Saka lamang namalayan ni Tin na magkalapit na ang kanilang mukha at nakadikit ito sa basang katawan ni Slater…Saka siya nagsisigaw palabas ng kwarto..
