Mag-dadalawang linggo nang hindi nag-uusap sina Tin at Slater...Hindi sinasagot ni Tin ang mga tawag at text niya…kapag pumupunta naman ito sa kanila ay kung hindi tulog ay wala raw si Tin doon…alam niyang iniiwasan siya nito at hindi siya kakausapin nito hanggang hindi niya sinasabi ang dahil ng pag over react niya the other week…
“JUST TELL ME WHY.” ito ang nakasaad sa huling text message ni Tin sa kanya nung isang araw…
“Paano ko naman sasabihin sa kanya na nagseselos ako…pero walang malisya..Tanga ka ba Slater? Nagseselos ka, siyempre may malisya yun!” tila parang nag lalaro ang kanyang isipan habang naglalakad ito papunta ng bahay nila galing kina Tin…Habang naglalakad siya ay napansin niyang may nakaparadang isang black na van sa tapat ng bahay nina Tin…at nang nilapitan niya ito ay nakita niya na inihatid ni Dave si Tin sa tapat ng gate nila habang nagsisigawan ang mga teammates ni Dave sa loob ng sasakyan…
“Aba, tong lokong ito…pumasok talaga sa teritoryo ko?? Humanda ka sa akin!” Sabi ni Slater habang nakamasid mula sa likod ng isang puno malapit kina Tin…
Nang makalayo na ang van nila Dave ay dali dali itong tumakbo papunta kina Tin…
Slater: TiiiiiiinTiiiiin!!! (sigaw nito habang tumatakbo at hinahabol ang papasok na si Tin)
Tin: Slater. (malamig na bati ni Tin)
Slater: (hinihingal) Wait lang, TinTin…(itinaas ang kamay niya para isignal kay Tin na hintayin muna ito saka siya huminga ng malalim) Let’s talk..please.
Tin: (tinignan si Slater) Okay.
Slater: Talaga? (biglang nawala ang hingal ni Slater)
Tin: If you’re willing to tell me the reason why…
Natigilan si Slater ng ilang sandali…mukhang nawalan ng gana si Tin at saka umaktong papasok ng bahay ng magsalita ang binata…
“Jealous.” Ito ang lumabas sa bibig ni Slater…
Hindi naman alam ni Tin kung tama ang narinig niya kung kaya’t tumigil ito at humarap kay Slater.
Tin: What was that again? (nagtatakang tanong ni Tin)
Slater: (napabuntong hininga) I said. I. WAS. JEALOUS. (sagot muli ni Slater and this time he made sure Tin heard what he said)
Hindi naman alam ni Tin kung paano magreact rito…Nakatulala siya habang nakatingin sa nakayukong si Slater…
“Tin…Tin….sagot!!!! sumagot ka!!!” sabi ng konsensya nito…
Tin: uh, Slater --- Bakit ka naman nagselos? (balik na tanong nito)
Slater: Wala lang…I don’t know. Maybe because that was the first time na narinig kitang kinikilig…Pero Tin swear, walang malisya yun…nasanay kasi ako na ako lang ang close mo na lalaki…that’s all..
Hindi naman alam ni Tin kung matutuwa ito o maiinis sa pag amin ni Slater…Matutuwa dahil narinig niya for the first time na nagselos si Slater dahil sa isang lalaki…o maiinis ba siya dahil sinabi nitong walang malisya ang pagseselos na iyon…Pilit niyang binura ang ideyang iyon sa kanyang isip at saka nagsalita…
Tin: Wag ka na magselos..ikaw parin naman ang bestfriend ko eh..(bawi ni Tin rito) at tsaka, never kitang ipagpapalit kahit kaninong lalaki! (dagdag pa nito)
Nang marinig iyon ay tila parang nabuhayan si Slater at gumaan ang pakiramdam nito…Napangiti ito sa sinabi ni Tin…
Slater: Talaga?
Tin: Oo naman..Hello, since birth friends na tayo…ano ka ba! (sagot ni Tin)
Sa sobrang tuwa ay hindi mapigilan ni Slater na yakapin si Tin...
