(Sorry about the first part of the story kasi maraming narration…hayaan niyo na para fast forward ang mga pangyayari…This is not a sequel of the first story…Something different, but also something that I know some of you can relate to…Enjoy reading!)
This is the story of best friends turned lovers, Tin and Slater…Ang pagkakaibigan ng kanilang mga magulang ay nagsimula bago pa man sila maipanganak…Unang naging magkaibigan sina Anton at ang kuya ni Tin na si Gab dahil magka-edad lamang ang mga ito…Dalawang taong gulang nun si Anton nang ipinanganak sa parehong araw si Tin…Willing willi siya rito dahil wala naman siyang kapatid at medyo chubby si Tin nang maipanganak…Nasa parehong subdivision rin ang dalawang pamilya kung kaya’t malapit na malapit si Anton sa magkapatid…Kapag weekend ay doon ito natutulog kina Gab at kung minsan naman kina Anton natutulog si Gab…Laging naiiwang mag-isa si Tin sa bahay…Madalas ay hindi ito pinapayagang lumabas ng bahay dahil sa maselan ang condition nito…ipinanganak itong may congenital heart failure…kung tutuusin, kaya naman siyang ipagamot ng mga magulang niya dahil mayaman naman ang mga ito, ngunit ayaw nilang masayang ang kabataan ni Tin kung kaya’t naisipan nilang ipagpaliban na muna ang operasyon nito hanggang sa makayanan na ng katawan niya ang heart surgery..
Kung gaano ka protective si Gab sa kapatid niya ay ganoon rin ang kaibigan nitong si Slater kay Tin…Maliban kay Gab, si Tin ang isa sa pinakamalapit na kaibigan nito, at nag iisang bestfriend niyang babae…Parehong nag-aral sa Ateneo sina Gab at Slater habang nasa Miriam College naman si Tin…Halos araw araw silang magkakasabay papunta sa school at pauwi mula sa school…Nang makagraduate ng grade 7 sina Slater at Gab ay nagpasya si Gab na manatili kasama ng lolo at lola nila ni Tin sa States at doon na mag-aral ng highschool…Bigla namang nalungkot si Tin sa desisyon ng kapatid…
Tin: Kuya, are you really going to leave me here (malungkot na tanong ni Tin sa nakakatandang kapatid)
Gab: I’m sorry little sis…Wala kasing kasama sila Lolo at Lola dun…kawawa naman sila…
Tin: Paano naman ako?
Gab: Hehehe don’t worry…Mom and Dad are here…and besides, Anton is also here to protect and take care of you, right Slater? (tanong nito sa kaibigan na tahimik lamang nakikinig sa kanilang dalawa)
Ngumiti ng bahagya si Anton at tumango…kumpirmasyon na tinatanggap nito ang responsibilidad kay Tin kapalit ng kapatid na si Gab…Nilingon ito ni Tin saka humarap sa kapatid…
Tin: Basta kuya, uuwi ka ha?
Gab: Hahaha Of course! If not, come visit me to the States..I’m sure Lolo and Lola would love to see you, too! (pilit nitong pinapasaya ang kapatid)
Tin: (naluluha) Kuya….I will miss you…Dito ka nalang please???? (pagmamakaawa ng kapatid)
Gab: Princess, ssssh…don’t cry…I don’t want to see you sad…Parakay kuya, please? And please take care of that heart (sabi ni Gab habang tinuturo ang puso ni Tin)
Tumango lamang si Tin at niyakap ang kapatid…Nung oras na para umalis si Gab ay hindi na napigilan ni Tin na umiyak ng umiyak sa pag-alis ng kapatid…kasama nitong umalis ang lolo at lola nila papuntang America…Nagpasya naman ang mga magulang nito na wag na siyang isama sa airport para hindi na ito mahirapang magpaalam sa kapatid…kinagabihan, nataranta ang lahat nang hindi nila makita si Tin…hinanap na nila ito sa buong mansion pero hindi nila ito makita…Tinawagan ni Nicholas sina Antonio para magpatulong sa mga ito…Kasama nilang nagtungo sa mga Rodriguez and anak nilang si Slater na nag-aalala rin sa kaibigang nawawala…
Antonio: Nic, na-try niyo na ba hanapin sa buong bahay? Baka nasa rooms o di kaya nagtago lang sa cabinet..
Nicholas: Wala talaga, Ton…ang sabi ni yaya, naka-lock naman yung gate kanina, pero nung tinignan namin, nakabukas na siya…
