Habang lumilipas ang mga araw, buwan at taon ay mas nagiging malapit sina Slater at Tin…2nd year highschool na si Tin at 4th year naman si Slater sa Ateneo De Manila pero pareho parin ang routine nilang dalawa…lagi silang sabay nagpupunta ng school at umuuwi ng bahay…kapag natatagalan si Tin ay hinihintay ito ni Slater at kapag si Slater naman ang nalalate ng uwi ay hinihintay rin ito ni Tin…Sa sobrang close nilang dalawa ay minsan napapagkamalan silang magkasintahan ng mga taong di nila gaanong kakilala…at dahil sikat si Slater sa school dahil sa estado nito ay hindi maiiwasang may mga babaeng naiinis kay Tin dahil ito ang bestfriend ni Slater…One time ay nagpunta si Tin sa Foundation Day nila Slater at nakaupo ito sa may bench at kumakain ng ice cream at hinihintay si Slater na bumalik mula sa classroom nang may lumapit rito na tatlong babae…
Girl 1: Excuse me, you’re Tin, right?
Napahinto naman si Tin sa pagkain ng ice cream at nilingon ang kumausap sa kanya..ningitian niya ito at tumango..
Girl 2: Hey girl, ano ba talaga kayo ni Slater? (pasimuno ng isa)
Girl 3: Imposible namang girlfriend ka niya eh ang dugyot mo! (dagdag naman ng isang maldita)
Girl 1: Sssshh…Tumahimik nga kayo! (sigaw nitong isa na para bang leader2 nila) So, ikaw pala yun..yung girlfriend ni Slater my loves…
Napakunot noo naman si Tin sa mga pinagsasabi ng mga meldy na mga girls…
Tin: Do I know you? (mataray na sagot nito)
Girl 1: Hindi pa, pero you will…I’m Nessy, and just in case you don’t know, Slater is mine!!! (mas mataray ng sagot ni girl)
Tumawa naman si Tin ng sobrang lakas at napalingon ng bahagya ang mga tao sa paligid…
Tin: Slater? Sayo? Nagpapatawa ka ba?
Girl 2: Naku Nessy, mukhang hinahamon ka ng little girl na ito…(sumbong nung isa sa likod)
Girl 3: Ang lakas ng loob ng dugyot na ito! (susugurin nasanani girl si Tin nang biglang dumating si Slater at hinarang ito)
Slater: (hinarang yung babae at tumayo sa harap ni Tin) Are you okay, princess? (binigyan ng masamang tingin yung mga babae) Ano nanaman ang ginagawa niyo rito? And why are you messing up with Tin?
Hindi makasagot ang mga ito…di mo malaman kung kinikilig o takot kay Slater..
Nessy: Uhh…We were just trying to make friends with her…nothing to worry Slater…
Slater: Is that so? Eh bakit mukhang susugurin niyang alalay mo si Tin? Hey girls, watch your mouth ha…Kapag ginalaw niyo si Tin, baka makalimutan kong babae kayo…(supladong sabi ni Slater sa mga meldy na girls)
Ningitian ni Nessy si Slater at inirapan si Tin bago tumalikod kasabay ang kanyang mga alipores…naiwan roon sa may bench sina Tin at Slater…
Slater: Okay ka lang? Anong ginawa nung mga yun sayo?
Tin: Huh? Hahahaha! Tingin mo papayag akong apihin ng mga yun? Hello! They were just asking if I was your girlfriend…pero mukhang iba ang tama ng mga yun sayo kasi bago pa ako nakasagot eh umuusok na yung ilong…lalo na nung natawa ako na inangkin ka nung Nessy! hahaha Sila ba yung sinasabi mong stalkers mong taga kabilang school? Wow ha! Hahaha (biro ni Tin kay Slater)
Slater:Sanasinabi mo na girlfriend kita para lalong mainis ang mga iyon! (biro ni Slater)
Tin: Wahahahaha! Nagpapatawa ka ba? As if, Slater… (sagot ni Tin)
Natawa si Slater at saka inakbayan si Tin…
Slater: O paano, gusto mo na bang umuwi o mall muna tayo?
