Chapter 12 - Reading Between the Lines

350 10 2
                                        

For this chapter, ta-try ko nga ibahin ang format ng lines…hahahaha BTW, anong mangyayari ngayon nagkita na sina Tin at Slater…manunumbalik nga ba ang matamis na nakaraan o magsusumbatan ng nangyaring kaguluhan?? Abangan…

----------------------------------------------------------------

“Yes, what can we do for………YOU???????” Gulat na tanong ni Tin nang makita kung sino ang nasa labas ng bahay nila…

“You’re back.” Nakangiting sabi ni Slater nang pinagbuksan siya ng gate ni Tin.

Tila nanigas si Tin sa kanyang kinatatayuan nang makita si Slater sa labas ng gate nila…sa totoo lang ay hindi niya ito inaasahan nung araw na iyon…nagkatitigan lamang silang dalawa hanggang sa magsalita si Slater.

“Tin? Tin, how are you?” tanong ni Slater rito… “I----I’m good.” Nauutal na sabi ni Tin saka inayos ang sarili niya.  “What brings you here? And how did you know that I’m back.” Mataray na tanong ni Tin. “Actually, I didn’t.” Matipid na sagot ni Slater.  Muling nagkaroon ng panandaliang katahimikan at ito’y binasag ni Tin. “Like I asked, what brings you here, Mr. Roxas?” Matigas na tanong ni Tin kay Slater… “I went here to see my cousin, but didn’t expect to see you too..” medyo may kalungkutan sa tono ng pananalita ni Slater habang sinasagot ang tanong ni Tin… “ But since we’re both here, I just wanted to say ----” 

Hindi na naituloy ni Slater ang sasabihin dahil itinaas ni Tin ang kamay nito bilang senyales na ayaw niyang pagkinggan ang sasabihin nito… “Roxas, stop. If you’re going to say sorry, please don’t.” Pagmamatigas ni Tin rito… “If you want to see Martina, I’ll tell her that you’re here…but don’t expect everyone to be happy to see you after everything.” Dagdag ni Tin saka tumalikod at tinawag si Martina para puntahan si Slater…Tila parang naninibago si Slater sa pagtrato ni Tin sa kanya, ngunit inexpect narin niya na ito matapos ang nangyari sa kanila noon…

Ilang sandali lang ay lumabas na si Martina at pinuntahan ang pinsan niyang naghihintay sa labas ng gate nila Tin.. “O, Slater!!” gulat na sabi ni Martina nang makita ito. “Bakit ka nagpunta rito? Errr..not the perfect time to chat kasi…” Medyo pabulong na sabi nito. Napabuntong hininga naman si Slater saka sinabing, “yeah, I know. She’s here. She’s back. And it looks like she’s not very happy to see me.. Nilapitan ito ni Martina at tinapik sa balikat. “You know what cuz, just give her time…it wasn’t easy, especially for her.” Seryosong payo ni Martina sa pinsan niya. Napayuko si Slater pero maya maya lamang ay tila gumaan ang mukha nito saka tumingin at ngumiti ng bahagya kay Martina. “You’re right. In time, everything will be okay. But for now cuz, can you help me reach out to her? I mean, is there any way possible that you can help us bring, even just the friendship, back?” tanong nito kay Martina.

Matagal bago sumagot si Martina… maya maya lamang ay narinig niyang tinatawag siya ng mommy ni Tin at tila nataranta naman ito dahil hindi nila alam na naroroon si Slater. “Ano na? Will you help me?” Pangungulit ni Slater rito. Napakamot si Martina saka sumagot, “Oo na…I won’t promise but I’ll see what I can do…Now, go…before Tita Anya, sees you here.” At dali dali nitong pinaalis si Slater…Napangiti naman si Slater saka niyakap ang pinsan at nilingon ang bintana ni Tin saka dali daling sumakay sa sasakyan nito saka bumalik sa loob si Martina…

Samantalang nagpasyang umakyat ni Tin sa kwarto nito at panoorin sina Slater at Martina mula sa kanyang bintana…Nang makita niyang nilingon ni Slater ang gawi ng bintana niya ay agad itong nagtago sa likod ng kurtina at naghintay ng ilang minuto bago muling sumilip….

“For three years….three years I endured the pain you’ve caused me… For all those years that I thought you loved me… For the sadness that you left me with… You don’t deserve this new heart, coz you can’t even take care of the one that you have been holding for a long time… I’ve already forgiven you, Slater Roxas, but it’s not enough to make me forget the day that you left me hanging.”

Ito ang mga nabitiwang salita ni Tin habang nakadungaw parin sa kanyang binata at pilit na nilalabanan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo…Huminga ito ng malalim saka binigyan ng isang madiin na tingin ang bawat parte at bawat sulok ng kwarto niya.

“Glad to be home, Tin..Glad to be home.” Sabi nito sa sarili saka humiga sakama niya at niyakap ang mga unan na naiwan niya roon sa loob ng tatlong taon.

Short update lang bilang pagtatapos ng last chapter and bridge papunta sa next chapter…Anong ibig sabihin ni Tin sa mga binitiwan niyang salita…For all we know, they’ve broken up because of the pictures…Ano kaya ang nangyari after nung gabing iyon? Ano ang nagawang kasalanan ni Slater kung bakit ganun ang naisip ni Tin nang magkita sila ni Slater. Can’t wait to unveil all the happenings…Stay tuned for the next chappyJ

When You RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon