Chapter 15 - What You Didn't Know

406 11 3
                                    

Sabado ng gabi…pagkatapos magdinner nina Tin ay naisipan niyang mag night out kasama ang kuya niya, si Martina at si Ivan…Ngunit, dahil nga inimbitahan ni Ivan si Slater ay sumama narin ito sa kanila…Napag usapan nila na iisang sasakyan na lamang ang dadalhin nila at ito ay ang sasakyan ni Slater dahil medyo malaki naman ito saka nasa iisang subdivision lang naman sila…Pilit na tumanggi si Tin pero dahil sa pakiusap ng kuya niya ay napapayag narin ito…Susunod na lamang raw si Ivan dun sa bar na pupuntahan nila… Bandang alas 9 ng gabi ng dinaanan ni Slater sina Tin sa bahay nito…bumaba ito ng sasakyan saka ng doorbell sa labas ng gate nina Tin…Nakatalikod ito dahil may sinilip siya sa may sasakyan niya nang marinig niyang magbukas ang gate..

“Good evening, nandiyan po si ------”  Biglang natameme si Slater nang makita kung sino ang nagbukas ng gate.. “Tin?” pagtatapos nito.

“Alam mo ang tagal mo. Baka kanina pa naghihintay si Ivan dun, nakakahiya naman. Tssss…” mataray na sabi ni Tin saka inayos ang buhok nito at tinalikuran si Slater para tawagin ang kuya nito. “Kuya, nandito na yung late friend mo…” Sigaw nito saka nilingon si Slater… “O, anong tinitingin tingin mo diyan?” dagdag nito.

Hindi mapigilang mapatitig ni Slater kay Tin…Suot ng dilag ay isang cottony black tube dress at black pumps na may gold lines…nakaplantsa lamang ang shiny black hair nito at medyo smokey eye make-up at nude lips…Bumalik lamang sa katinuan si Slater nang winave ni Tin ang black envelope bag niya kay Slater… “Hello? Roxas? Baka gusto mong tumabi para makadaan kami.” Pagtataray parin nito.

“Ah, eh sorry…” paumanhin ni Slater rito saka napakamot sa ulo…Pinagbuksan ito ng pinto ni Slater sa front seat pero dali dali itong sumakay sa back seat kung saan tinabihan naman ito ni Martina at saka naupo si Gab sa front seat…

Nang nakasettle na sila ay pinaandar na ni Slater ang sasakyan nila at saka nilakbay ang daan papunta sa Platinum Bar sa may Taguig.

“Tin, just let Ivan know that we are on our way.” Sabi ng kuya Gab nito.

“Done na…malapit na raw siya makarating…nakakahiya naman dun sa tao.” Pagsusungit ni Tin.

“Sorry ha, natagalan ako..” paghingi ni Slater ng tawad sa mga kasama…

“Next time kasi, kapag may usapan, dapat dumating on time…tsaka wag nang-iindian!” dagdag na sabi ni Tin…

Biglang napalingon si Gab sa likod saka tinignan ng masama si Tin. “Tin, please.” Pakiusap nito sa kapatid.

Ngumiwi naman si Tin sa likod at piniling manahimik…Nagkatinginan lamang sina Martina at Gab saka ibinalik ni Gab ang tingin nito sa daan habang tahimik na nagmamaneho si Slater…Paminsan-minsan ay tinitignan ni Tin kung nakatingin si Slater sa kanya pero nagkamali siya…Ni minsan ay hindi niya ito nakitang sumulyap sa kanya hanggang sa makarating sila dun sa parking area ng Bar…

Pagpatay ni Slater ng makina ng sasakyan ay agad itong bumaba saka pinagbuksan ng pinto si Tin…Agad naman na bumaba si Tin at sinabing, “Thanks.”

Binigyan lamang ito ng isang matipid na ngiti ni Slater saka tumango at agad na sinira ang pinto nang makababa si Tin samantalang sa kabila na bumaba si Martina kung saan pinagbuksan naman siya ni Gab.

Habang naglalakad papasok ay nauna si Slater na sinundan ni Tin at magkasabay sina Gab at Martina na pinaguusapan ang dalawa..

“Babe, sa tingin mo may pag asa pa yang dalawa?” aniya ni Martina kay Gab.

“I don’t know…It depends kung patatawarin ni Tin si Slater…and that would depend on how Slater will make his moves…Ano bang sabi ng kapatid ko?”  Tanong ni Gab rito.

When You RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon