Matapos ang halos dalawang oras na biyahe mula sa airport ay nakarating narin sina Tin sa bahay nila sa Forbes...Bumaba na ito ng sasakyan at saka sila sinalubong ng mga katulong na excited sa pag uwi nila…sa lahat, si Yayey ang pinaka-namiss niya dahil ito ang yaya niya mula pa pagkabata…
Yayey: Tiiiin!!! (masiglang bati nito sa alaga)
Tin: Yayey!!!!!! I missed you !!! (sabi nito sa yaya at saka niyakap ito ng mahigpit)
Yayey: Na-miss man tika dai uy (napabisaya si yayey sa sobrang excitement) ay naku, baka nagugutom ka na…pinagluto kita ng paborito mong Aglio Olio pasta! (dagdag pa nito)
Tin: Talaga? Yaaaay!! Na-miss ko mga luto mo, ya! Mamaya, bibigay ko yung pasalubong ko sayo…Pati narin sa inyo Weng and Carlita (nakangiting sabi nito sa iba pang kasambahay)
Mukhang na excite ang mga kasambahay nila Tin at binati rin ang mga magulang nito saka dinala na sa loob ang lahat ng gamit nila…Habang naglalakad papasok ng bahay ay may biglang naalala si Tin…
Tin: Mom, nga pala, anong sabi ni kuya?
Anya: He’ll be home early…He just needs to finish something in the office…(sagot nito) And by the way, Yayey, si Martina, nasaan na?
Yayey: Ai, Maam, nasa kwarto po nagpapahinga…mukhang napagod po sa paghahanda kanina…
Tin: Awwww…Mom, pupuntahan ko lang po si Martina sa room niya (paalam ni Tin rito)
Anya: Sige..I’m pretty sure you missed your bestfriend/future sister-in-law…
(Yep, you heard it right…Magpapakasal na kasi sina Gab at Martina in two months…kaya rin napauwi sina Tin ng maaga sa Pilipinas…at dahil nasa states pa ang parents nito ay kasalukuyan itong tumutuloy kina Tin habang wala siyang kasama sa kanila…)
Dali daling umakyat si Tin at saka kumatok sa pinto ng guest room nila… Pinapasok naman ito ni Martina…Dahan dahan niyang binuksan ang pinto para silipin kaibigan na tila kakatapos lamang maligo at may tuwalya pa sa ulo…
Tin: Marti!!!!!!!!!!!!!! (biglang sigaw ni Tin pagpasok nito)
Napatalon naman sa gulat si Martina nang sumigaw si Tin…at nanlaki ang mata nito nang makita ang kaibigan…
Martina: Oh My Geeee!!! TinTin!!!!!! OMG!!! OMG!!! (ito lamang ang tanging nasabi ni Martina saka niyakap ng mahigpit si Tin)
Magkayakap silang dalawa at nagtatalunan sa loob ng kwarto ni Martina…Hindi makapaniwala ang dalawa na nagkita silang muli pagkatapos ang tatlong taon…
Tin: Shocks!!! Na-miss kita!!! Sobra!!!
Martina: Ako rin kaya!! Hello!! After 3 years, nagkita narin tayo!! I really missed you best friend!!!! Buti napaaga ang uwi niyo…
Tin: Hahahaha Siyempre! Pwede ko ba namang ma-miss ang kasal ng nag-iisang kuya ko sa nag-iisang bestfriend ko?
Martina: Dapat lang!! Kundi, wala akong maid of honor!!! Hahahaha (sabi nito sa kaibigan) Wait lang…(napahinto ito at saka tinitigan ng mabuti si Tin) Parang may iba sayo….
Tin: Ano?
Martina: Something’s different bout you….(sabi pa nito)
Tin: Like what?
Martina: I’m not sure…It seems like you’re……you’re glowing! (sabi ng kaibigan) Boylet? (hirit nito)
Tin: Sira! Hahaha Wala noh! I couldn’t care less bout boys…They’re just a pain in heart. (senti mode ni Tin)
Martina: Wow! Man-hater lang?
Tin: Hindi naman…I just learned my lesson…(malungkot na sabi ni Tin)