Magsisimula ang chapter na ito sa continuation ng flashback ni Tin from the last chapter…Comments and violent reactions are accepted but are only limited in the FF ha? Wag real life. HAHAHAHA! Enjoy reading bananasJ
Dalawang linggo nang hindi naguusap sina Tin at Slater…sa tuwing mag-aattempt si Slater na puntahan si Tin ay lagi itong wala sa kanila…ni hindi rin ito sumasagot sa mga text messages niya at kung minsan ay pinapatayan pa ng cellphone…Parang masisiraan na ng ulo si Slater sa ganitong set-up nila ni Tin…hindi niya aakalaing siya ang matutuklaw sa sarili niyang ahas…sa ideyang mag cool off muna sila ni Tin…Lagi itong nagpapadala ng bulaklak sa bahay ng mga Rodriguez, ngunit wala parin sinasabi si Tin…kahit sina Martina at Gab ay walang maikwento dahil hindi naman raw ito nababanggit ni Tin sa tuwing magkikita sila…
Sa kabilang banda, si Tin naman ay sobrang hirap na hirap na sa kanyang ginagawa kay Slater..kung masakit para kay Slater na iniiwasan siya ni Tin ay doble ang sakit na nararamdaman nito sa kanyang ginagawa…pero sa loob niya ay kailangan niyang gawin ito dahil sa tingin niya, ito ang susukat kung gaano sila katibay dalawa…sa dalawang linggong iyon ay napansin narin ng kani kanilang mga magulang na may kakaiba sa dalawa, dahil kung hindi si Tin ang bumibisita kina Slater ay si Slater ang laging nagpupunta kina Tin at lagi nila itong nakikitang masayang nagkkwentuhan o nag aasaran…Kakarating lamang ni Tin sa bahay nila nang datnan nito ang Daddy niya na may tinitignan sa laptop nito sa may lanai..agad niya itong nilapitan para batiin…
Tin: Hi Dad! (bati nito sa ama)
Nicholas: O anak, nandito ka na pala..how’s school?
Tin: Ayos lang po…medyo nahihirapan lang because of the deadlines and stuff..may thesis kasi na kelangang tapusin within next week tapos kelangan pang magready para sa Art Fest next month…
Nicholas: Ganun ba? Hmmm…eh kayo ni Slater, kumusta na? Bakit hindi ko siya masyadong nakikita lately…
Tin: Ah…kasi…Uhm….
Nicholas: Nag-away ba kayo?
Tin: (napabuntong hininga) Wala po ito, Dad…basta, don’t worry…I’m okay…
Nicholas: Are you sure? You look pale, anak…Try to get some rest and whatever that is happening between you and Slater, I know it will pass…
Tin: Thanks, Dad (bumeso ito uli at saka umakyat na sa kanyang kwarto)
Sa loob ng kwarto ni Tin ay napapaisip ito…medyo matagal narin silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Slater at palapit na rin ng palapit ang kanilang 3rd Anniversary, which is making things worse…hindi alam ni Tin kung anong mangyayari…sa loob loob niya ay handa na siyang ayusin ang lahat sa kanila ni Slater at nararamdaman rin naman niyang nagsisisi na si Slater sa kanyang ginawa kaya napaisip ito kung anong magandang gawin para sa anniversary nila…
Samantalang nasa office si Slater at kasalukuyang may inaayos na mga papers nang biglang kumatok ang sekretarya nito…
Mila: Sir, nandito na po yung new secretary ni Sir Mike…may pinadala raw pong papers yung boss niya…
Slater: Okay, Thanks Mila…Send her in…
Busy si Slater sa pag babasa ng mga papeles nang mapansin iyang may isang maputing babaeng nakatayo sa harap niya…naka miniskirt ito at sobrang fitting na blazer top at halatang malusog ang mga dibdib nito dahil sa cleavage na lumalabas sa gitna ng damit niya…Bahagyang napatulala si Slater sa nakita pero ilang sandali lang ay inayos niya ang sarili at tumayo para batiin ang bisita…
Slater: Ah yes, how may I help you? (tanong nito)
Girl: Hi Sir, I’m Mr. Del Mundo’s secretary…Nessy. (nakangiting sabi nito)
