Chapter 13 - Wedding Bells Went Kaput

480 12 10
                                    

Bandang alassaisng gabi nang nakauwi si Gab mula sa opisina..Pababa pa lang ito ng sasakyan ng sinalubong siya ng kanyang fiancée na si Martina…

“Babe!!” bati ni Martina rito saka siya hinalikan sa pisngi. “Nagdinner ka na ba?” tanong niya sa kararating lamang na si Gab. “Nope. I’m starving. Should we order some pizza or eat out?” Tanong naman ni Gab sa kanya… Inakbayan ito ni Martina saka nagsalita, “actually, we prepared dinner and I have a surprise for you.” Nakangiting sabi ni Martina na ipinagtaka naman ni Gab… “What kind of sur------”

Hindi na naituloy ni Gab ang sasabihin dahil biglang bumulaga sa kanyang harapan ang only sister niya na si Tin…

“Kuyaaaaaaa!!!!!!!!!!!!” Sigaw nito sabay yakap sa kapatid….

“kuya, na-miss kita!!!” sabi pa nito habang nakayakap parin sa nakatulalang si Gab…

“Tiiin?? What are you doing here? Kelan ka pa dumating?” Sunod sunod na tanong nito.

“Kaninang umaga lang…” sagot nito sa kapatid…

“Oh my God, sis! I missed you too!!” sabi naman ni Gab rito at niyakap muli ang kapatid. “So happy that you’re finally back home..Kala ko hindi ka na uuwi eh..magtatampo nasanaako..” nakapout na sabi ni Gab sa kapatid niya..

“Pwede ba naman yun…You and Martina are two of my most favorite people in the world next to Mom and Dad…And I won’t dare miss that wedding…not when I’m the Maid of Honor! Hahahaha” Natatawang sabi nito…

“dapat lang kasi this would not have been possible if not for you and Slater..” sabi nito… Bahagya naman nawala ang ngiti sa mukha ni Tin at hinawakan ng mariin ni Martina ang braso ni Gab, senyales na hindi dapat niya binanggit ang pangalan ni Slater..Tinignan ni Gab si Martina saka sinulyapan si Tin… “Hey Tin, I’m sorry..”

Pilit na ngumiti si Tin at saka nagsalita.. “Ano ka ba, it’s okay..Anyways, Mom and Dad are inside and are waiting for their only, soon-to-be-married son…pasok na tayo!” imbita ni Tin sa dalawa at saka sila pumasok sa loob…

Pagkatapos mag dinner ay nagkayayaan sina Gab, Tin at Martina na umiinom ng wine sa may lanai nila…umakyat sandali si Martina at nagdahilang may kukunin para makapag usap ang magkapatid…

“So, how did it go? How does it feel to have a new heart again?” seryosong tanong ni Gab sabay sip ng wine mula sa baso nito.

“Good…it feels really really good, kuya. Nung una medyo nakakailang…you know, when everybody keeps on reminding you that it’s not originally yours…But then, as the months went by, nasasanay narin ako…actually, magaan sa pakiramdam…I  can do more activities because it does require me to be physically and mentally active…and unlike before, hindi nako masyadong hinihingal…I’m enjoying the aftermath.” Nakangiting sagot ni Tin sa kapatid niya..

“Well, that’s good to hear…at least it did change something in you.” Sabi naman ni Gab.

“Oh, it did change a lot in me…Parang the experience taught me to be tougher and stronger…but not in a very ruthless mode..slight lang. hahahaha” Sagot ni Tin rito.

Biglang nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa…May gustong itanong si Gab pero hesitant ito na sabihin ang nilalaman ng isipan niya…sumusulyap ito sa kapatid na nahalata naman ni Tin kinalaunan..

“If you want to ask me something, just say it…” matipid na sabi ni Tin rito..

“Well...Ehem…” pag aalis ni Gab ng bara sa kanyang lalamunan saka pinagpatuloy ang sasabihin nito. “As you know, wala naman akong ibang bestfriend diba?” simula nito.

When You RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon